Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM
- Published on July 3, 2020
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard.
Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano.
Sa kalagitnaan ng isyu sa pagpatay sa Black American na si George Floyd, sinabi ni Howard na posibleng hindi raw ito maglaro sa pagbubukas muli ng season para makatulong sa mga hakbang upang tugunan ang racial inequality.
Noong Marso naman nang pumanaw ang ina ng anak ni Howard na si Melissa Rios sa California, bunsod ng seizure matapos ang paglaban nito sa epilepsy.
Pero ayon kay Lakers general manager Rob Pelinka, patuloy naman daw ang kanilang komunikasyon ni Howard at sa kanyang agent.
Suportado rin aniya nila ang tinaguriang “Superman” kung anuman ang magiging pasya nito.
“As you guys know, there was an opt-out date that Dwight did not give notice that he was opting out, so we are going to continue to work through those extenuating circumstances with Dwight, support him, support his six-year-old son, and hope for the best that he would be a part of our roster in Orlando. But that will be a continued process,” wika ni Pelinka.
Matatandaang una nang nagsabi ang isa pang player na si Avery Bradley na hindi ito maglalaro sa NBA restart, kaya todo ang paghahanap ngayon ng Lakers ng papalit sa kanya.
-
Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergency. Ayon sa Pangulo, ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng […]
-
Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims
NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer. Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na […]
-
NAVOTAS lumagda sa MOA upang magtatag ng School Peso Desk
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang Memorandum of Agreement para sa pagtatag ng isang Public Employment Service Office (PESO) Help Desk sa Navotas Polytechnic College (NPC) at lahat ng senior high school sa Navotas. Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang MOA kasama si Dr. Meliton Zurbano, Schools Division Superintendent; Dr. […]