• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM

Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard.

 

Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano.

 

Sa kalagitnaan ng isyu sa pagpatay sa Black American na si George Floyd, sinabi ni Howard na posibleng hindi raw ito maglaro sa pagbubukas muli ng season para makatulong sa mga hakbang upang tugunan ang racial inequality.

 

Noong Marso naman nang pumanaw ang ina ng anak ni Howard na si Melissa Rios sa California, bunsod ng seizure matapos ang paglaban nito sa epilepsy.

 

Pero ayon kay Lakers general manager Rob Pelinka, patuloy naman daw ang kanilang komunikasyon ni Howard at sa kanyang agent.

 

Suportado rin aniya nila ang tinaguriang “Superman” kung anuman ang magiging pasya nito.

 

“As you guys know, there was an opt-out date that Dwight did not give notice that he was opting out, so we are going to continue to work through those extenuating circumstances with Dwight, support him, support his six-year-old son, and hope for the best that he would be a part of our roster in Orlando. But that will be a continued process,” wika ni Pelinka.

 

Matatandaang una nang nagsabi ang isa pang player na si Avery Bradley na hindi ito maglalaro sa NBA restart, kaya todo ang paghahanap ngayon ng Lakers ng papalit sa kanya.

Other News
  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • 4 TIMBOG SA DRUG BUY BUST SA CALOOCAN, VALENZUELA

    APAT na hinihinalang sangkot sa illegal na droga kabilang ang isang online seller ang arestado sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela Cities.     Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon mula sa isang Regular […]

  • MVP tiwala sa Pinoy athletes sa Tokyo Olympics

    Tiwala si business tycoon Manny V. Pangilinan sa magiging kampanya ng Team Philippines sa Tokyo Olympics na idaraos sa Hulyo.     Naniniwala ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) chairman emeritus na malaki ang tsansa ng Pilipinas na makasungkit ng gintong medalya sa Tokyo.     Nakatutok si Pangilinan sa galawan sa kampanya ng mga […]