• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dy, 6 pa kabilang sa WNBL draft

NASA pitong mga kasapi dati ng Gilas Pilipinas o national women’s quintet sa pamumuno ni Raiza Rose Palmera-Dy ang mga pumasok sa opisyal 177 ballers para sa 1st Women’s National Basketbal League (WNBL) Rookie Draft 2020 sa San Fernando, Pampanga bago matapos ang buwang ito.

 

Kasama ng 27 na taong-gulang at 5-6 ang taas na si Dy, 29, ang anim pang former nationals sa nakatakdang pagtitipon sina April Lualhati, 32, Gemma Miranda, 25, Camille Sambile, 28, Mary Joy Galicia, 31, Marites Gadian , at Angeli Jo Gloriani.

 

Nabatid kamakalawa kay WNBL executive vice president Rhose Montreal, na ang nasabing bilang ay buhat sa mga sinala sa mahigit 700 aplikante para sa draft sa kauna-unahang professional women’s league sa bansa.

 

Mangungunba naman sa amateur at collegiate players ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 82 Finals 2019-20 Most Valuable Player na si Monique Del Carmen ng six-peat champion National University Lady Bull- dogs. (REC)

Other News
  • Herd immunity sa Maynila kayang maabot hanggang Setyembre

    Tiwala ang Manila City Governments na makakamit nila ang herd immunity hanggang sa Setyembre.     Ito ay dahil sa tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pagpapabakuna sa mga residente doon.     Sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na mayroong mahigit 35,000 kada araw silang nababakunahan mula ng palakasin ang vaccination drive ng city government.   […]

  • China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability

    HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea.     Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea.     Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang […]

  • Pangangailangan sa pagdaragdag ng hotline para sa mga naghahanap ng ospital, handang i-ugnay ni Sec. Roque sa mga telcos

    HANDA si Presidential Spokesperson Harry Roque na muling makipag- ugnayan sa mga telecommunication companies para maragdagan ang linya na maaaring matawagan ng mga mamamayan na naghahanap ng ospital upang doon madala ang mga kaanak nilang seryosong tinamaan ng virus.   Sa harap na rin ito ng ulat na nahihirapang makapasok sa One Hospital Command Center […]