E-Commerce bill, hiniling ng DTI sa Senado na aprubahan
- Published on August 24, 2022
- by @peoplesbalita
HINILING ng Department of Trade and Industry (DTI) sa Senado na aprubahan ang pagpapasa upang maging ganap na batas ang Internet Transactions Act.
Sinabi ni DTI Assistant Secretary Mary Jean Pacheco na ang Internet Transactions Act, o E-Commerce law, ay isa sa mga priority legislative agenda ng administrasyong Marcos.
“We’d like to see a robust e-commerce sector that will also protect consumers, data privacy, intellectual property and security, as well as of course product and safety standards,” ayon kay Pacheco sa idinaos na virtual organizational meeting kasama ang Committee on Trade, Commerce, and Entrepreneurship.
Tinukoy nito ang Google-commissioned “e-Conomy Southeast Asia Report” para sa taong 2021 na nagsasabing ang Pilipinas ang “fastest growing internet economy” sa Southeast Asia na mayroong 12 milyong consumers at maaaring umabot sa US$40 billion “in value” sa taong 2025.
“Overall, the Philippines was the fastest-growing market in the region, driven by strict lockdowns as well as a tipping point on the adoption of certain digital services,” ang nakasaad sa report, may 39% ng digital merchants na nagsasabing hindi ito makaka- survived sa pandemiya kung wala ang digital platforms.
Ang panukalang E-Commerce Act ay naglalayong “to create an E-Commerce Bureau under the DIT to regulate internet commercial activities and protect consumers who engage in online transactions.”
Samantala, hiniling din ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa mga senador na sang-ayunan ang paglagda ng Pilipinas sa Regional Comprehensive Economic Partnership trade deal at pag-amiyenda sa Republic Act 9501 o Magna Carta for Micro, Small and Medium Enterprises. (Daris Jose)
-
Dolomite Beach isara muna – Binay
Habang wala pang malinaw na regulasyon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), iginiit ni Sen. Nancy Binay ang pagpapasara ng Dolomite beach sa Manila Bay. Ayon kay Binay, ito ay habang walang maliwanag na sistema ang DENR para sa mga taong nagtutungo sa naturang lugar. Iginiit pa ng senador […]
-
Japanese tennis star Osaka, ipinakita ang suporta sa racial discrimination
Ipinakita ni Japanese tennis star Naomi Osaka ang kaniyang suporta sa mga lumalaban sa social injustice. Sa pagsisimula ng laro sa US Open sa New York, nagsuot ito ng face mask na mayroong pangalan na Breonna Taylor, ang black woman na pinagbabaril hanggang mapatay ng mga kapulisan. Isa lamang aniya ito sa pitong […]
-
Kahit more than a year pa lang ang relasyon: CARLO, ‘di na pinatagal kaya pinakasalan na si CHARLIE
TAMA ang kumalat na balita noong Sabado, na may celebrity couple na ikakasal kinabukasan, araw ng Linggo. Sa Metrogate Silang Estates sa Cavite nga ginanap ang kasal nina Charlie Dizon at Carlo Aquino. Ilan sa mga ninong at ninang na kinuha ng dalawa ay mga big bosses ng ABS-CBN […]