Eala inspirado kay Nadal
- Published on February 17, 2022
- by @peoplesbalita
SOBRA ang pagkaganado sa ngayon sa pagpapraktis ni Alexandra Eala, ang ating alas sa mga paligsahan sa women’s at junior girl’s singles-doubles ng Women’s Tennis Association (WTA) at International Tennis Federation (ITF).
Ito ay nang makatabi ng 16-anyos, 5-9 ang taas na Pinay netter buhat sa Quezon City ang 21-time Grand Slam men’s singles champion na si Rafael Nadal ng Spain sa isa niyang practice session sa Rafael Nadal Academy (RNA) sa nasabing European country kung saan siya athletic scholar.
Ibinahagi ni Eala, isa ring Globe Ambassador, ang isang video sa kanyang Facebook account Martes habang katabi sa training session ang bagong koronang haring Kastila sa 110th Australian Open 2022.
“Monday morning motivation, practicing on court beside the GOAT! One of the many perks here at the Rafa Nadal Academy!” caption ni Eala, ang reigning WTA No.528 ranked player.
Huling humambalos ang ating kababayan sa W60 Grenoble sa France kung saan nakarating siya sa second round ng main draw pagkayukod kay fourth seeded French Chloe Paquet s 6-4, 5-7, 3-6, nito lang Pebrero 11.
Ito ang pangatlo niyang torneo ngayong 2022 pagkaraan nang sa una at pangatlong leg ng W25 Manacor sa RNA, Spain.
Sumablay si Eala sa W25 Manacor first leg main draw nang matalo sa singles third round qualifying kay No. 1 seed Alice Rame ng France, 6-2, 6-4 noong Enero 18.
Nabigo siya sa W25 Manacor third leg kay No. 5 seed Giulia Gatto-Monticone ng Italy, 6-2, 6-1, sa singles first round main draw. Umabot siya rito at partner sa doubles quarterfinals. Nag-withdraw siya sa second leg dahil sa pananakit ng tiyan. (REC)
-
Drive-thru vaccination site sa Maynila, binuksan
Sa layuning mas mapa-bilis pa ang pagbabakuna sa gitna ng pinangangamba-hang pagkalat ng Delta va-riant binuksan na ang drive-thru vaccination site sa Quirino Grandstand, sa tabi ng COVID testing site at ng Manila COVID-19 Field Hospital sa Maynila, Sabado ng umaga. Personal na pinangu-nahan ni Manila Mayor Isko Moreno ang opening ng naturang vaccination […]
-
Favorite niya ang mga song ni Ice: RONNIE, consistent na mataas ang streams sa mga ni-revive na kanta
PANGALAWANG beses nang nagkakatrabaho sina Joem Bascon at Jasmine Curtis-Smith; una ay sa Metro Manila Film Festival entry na Culion noong 2019 at sumunod ay ang GMA teleserye na ‘Asawa Ng Asawa Ko’ na kasalukuyang umeere ngayon kung saan gumaganap sila bilang si Leon at Cristy respectively. Pinakaunang serye naman ni Joem sa […]
-
Maharlika Wealth Fund ‘soft-launch’ nakatakdang gawin ni PBBM sa Switzerland
NAKATAKDANG pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo. Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon kay DFA Undersecretary […]