• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala sablay sa ‘Sweet 16’

Yumukod si Alexandra Eala kay Simona Walterts ng Switzerland, 6-4, 2-6, 7-5, sa rematch sa opening round ng International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament sa Manacor, Spain nitong Miyerkoles ng gabi.

 

 

Kontrado ang 15-anyos na Pinay mula sa Quezon City, reigning Women’s Tennis Association (WTA) No. 763, Rafael Nadal Academy (RNA) athletic scholar at Globe ambassadress, ng 20-taong-gulang at WTA No. 283 sa pamamagitan ng liksi’t bangis sa baseline game.

 

 

Bigong masundan ni Eala ang 6-1, 6-4 na pagsibak kay Walterts sa ITF W25 Manacor World Tour nitong lang Marso 2 sa Round-of-32 match.

 

 

Ito ang pang-anim na professional netfest ni Eala sa taong ito. Ang unang career win ay nito lang Enero. (REC)

Other News
  • PDu30, humingi ng paumanhin sa publiko

    HUMINGI ng  paumanhin si Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte sa publiko sa kanyang naunang desisyon na payagan ang e-sabong operations sa kabila ng mga ulat na lumulubog sa utang ang mga mananaya at dahilan ng pagdukot sa mga sabungero.     Gaya ng kanyang mga nasabi sa mga nauna niyang talumpati, tinukoy ni Pangulong Duterte ang […]

  • DILG sa LGUs : Mask rule sa indoor areas, public transport mananatili

    NANAWAGAN ang Department of the Interior and Local Government (DILG)  sa local government units  na mahigpit pa ring ipatupad ang mask mandate sa  mga indoor areas at pampublikong transportasyon.     Sinabi ni Interior Secretary Benjamin Abalos Jr. na bahagi ito ng probisyon na nakapaloob sa Executive Order (EO) No. 3 na  tinintahan ni Pangulong  […]

  • Bakunahan ng Bivalent COVID-19 vaccine lumarga na

    PINANGUNGAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Miyerkules ang paglulunsad ng Bivalent COVID-19 vaccine kung saan hinikayat niya ang sambayanang Pilipino lalo na ‘yung mga wala pang primary series na magpabakuna upang maproteksiyunan ang kanilang pamilya at ang publiko.     “I thus appeal to everyone especially those who have yet to receive their primary […]