Early registration para sa next school year magsisimula na sa Marso 25 hanggang Abril 30 – DepEd
- Published on March 24, 2022
- by @peoplesbalita
MAGSISIMULA na ang early registration sa mga pampublikong elementarya at sekondarya para sa susunod na school year sa araw ng Biyernes, Marso 25 hanggang Abril 30.
Base sa memorandum na nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones, maaari ng mag-preregister ang lahat ng incoming Kindergarten, Grade 1, 7 at 11 mag-aaral sa lahat ng public elementary at secondary school bilang paghahanda sa susunod na school year.
Ayon sa ahensiya, ang mga mag-aaral sa Grade 2 hanggang 6,8 hanggang grade 10 at 12 ay maituturing ng pre-registered at hindi na kailangang mag-participate sa early registration.
Papayagan naman na ang in-person registration ng mga magulang at guardians para sa kanilang mga anak sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1 at 2 subalit kailangan pa rin na maobserbahan ang mga health protocols.
Sa mga lugar naman na nasa striktong alert level 4 at 5 naman, ang registration ay dapat na sa pamamagitan ng text messaging at social media platforms.
Samantala, hinihikayat naman ang mga private schools na magsagawa ng early registration activities sa parehong panuntunan.
Magtatapos ang kasalukuyang school year sa June 24.
Hindi pa naglalabas sa ngayon ang DepEd sa petsa ng simula ng SY 2022-2023.
Sa kasalukuyang school year nasa mahigit 27.2 million mag-aaral ang nag-enroll sa basic education. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Mas maraming pinoy, nakaranas ng pagkagutom sa Q3 ng 2024 — SWS
ISINIWALAT ng Social Weather Stations (SWS), isang non-commissioned survey para sa third quarter ng 2024 ang pagtaas ng involuntary hunger sa hanay ng pamilyang Filipino kumpara sa second quarter. Base sa resultang ipinalabas ng SWS, araw ng Martes, Oct. 17, may 22.9% ng pamilyang Filipino ang napaulat na nakararanas ng involuntary hunger—tumutukoy bilang ‘pagiging gutom’ […]
-
DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD
TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes. Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus. “Hindi [s]iya classified as […]
-
DBM, aprubado na ang pagpapalabas ng mahigit sa P2-B para sa indigent PhilHealth members
INAPRUBAHAN na ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagpapalabas ng mahigit sa P2 bilyong pisong pondo para sa Philippine Health Insurance Corporation (PHIC) na gagamitin sa insurance premium subsidy para sa mga indigent members. Sinabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na sakop ng Special Allotment Release Order (SARO) ang subsidiya ng […]