Economic essential workers dapat mabakunahan din sa second quarter ng 2021
- Published on February 4, 2021
- by @peoplesbalita
TINITINGNAN ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatawag na economic essential workers sa second quarter ng 2021.
Sinabi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa public address ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Lunes ng gabi na ang mga economic frontliners ay kabilang din sa prayoridad ng gobyerno sa COVID-19 immunization drive.
“Ang ginawa po kasi sa Indonesia to protect the economy, prinarioty po nila ‘yong essential workers so ‘yon po ang titingnan po natin,” ayon kay Galvez.
Ani Galvez, inirekumenda ng mga Metro Manila mayors na isama ang mga economic frontliners sa prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan.
“Kasi nakita po natin na ‘yong mga driver sa food industry, sa social services, at the same time, ‘yong life support services, kailangan maproteksiyunan po natin sila,” ang pahayag ni Galvez.
“Ito po mga mahihirap din po ito eh. ’Yon po ang recommendation ng ating mga communities and LGUs,” dagdag na pahayag nito.
Samantala, naglaan na ang Pilipinas ng P73.2 billion para sa gagawing pagbili ng bakuna kung saan P40 billion ay mula sa multilateral agencies, P20 billion ay mula sa domestic sources, at P13.2 billion naman ay mula sa bilateral agreements.
Target ng Pilipinas na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon at tinatayang 50,000 nama ang mababakunahan ngayong Pebrero.
Ang priority groups ay kinabibilangan naman ng mga frontline health workers, indigent senior citizens, natitirang indigent population at uniformed personnel.
Nauna rito, sinabi ni Galvez na ang vaccine manufactured ng American corporation Pfizer ay maaaring unang magamit na bakuna laban sa COVID-19 sa bansa lalo pa’t ang COVAX Facility ay nagkaroon na ng maagang rollout ng nasabing brand. (Daris Jose)
-
Sapat na bilang ng mga tren sa MRT-3, tiniyak upang matugunan ang dumaraming mga pasahero
TINIYAK ng pamunuan ng MRT-3 na sapat ang bilang ng mga tren ng MRT-3 para sa dumaraming pasahero. Ito ang pahayag ni Transportation Assistant Secretary for Railways at MRT-3 Officer-in-Charge Jorjette B. Aquino kasunod ng balita na umabot sa 436,388 ang bilang ng mga pasaherong napagserbisyuhan ng MRT-3 noong Agosto 16. […]
-
4 treasure hunters na natabunan ng gumuhong lupa, pinangangambahang patay na – LGU
Inihinto na ng rescue team ang kanilang operasyon para sa apat na mga menor de edad na na-trap sa gumuhong tunnel nitong Linggo ng umaga sa Purok 1, Brgy Kinamayan, Sto. Tomas, Davao del Norte. Inihayag ni Sto Tomas City Administrator Atty. Eliza Evangelista-Lapena, sinumulan nitong Lunes ng umaga ang retrieval operation para sa […]
-
SUNDALO INALOK NG SHABU, VENDOR KULONG
SWAK sa kalaboso ang isang fruit vendor dahil sa halip na prutas ay shabu ang inalok niya sa isang sundalo na noon ay nakasuot damit pang sibilyan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Arsenio […]