• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ECQ inihirit palawigin

Inirekomenda ng mga eksperto na palawigin ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) na nakatakdang magtapos sa Abril 4.

 

 

Ayon kay Department of Health-Epidemiology Bureau director Dr. Althea De Guzman, kung babawiin ang ECQ matapos ang isang linggong pagpapatupad nito ay kaunti lamang ang ibaba ng bagong kaso ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni De Guzman na dapat masusing pag-aralan ang data habang ikinokonsidera ang magiging epekto sa ekonomiya kapag pinalawig ang ECQ sa Metro Manila at karatig na probinsiya ng Bulacan, Cavite, Rizal at Laguna.

 

 

Binanggit din ni De Guzman na posibleng tumaas pa ang kaso ng COVID-19 kapag binawi na ang ECQ sa Abril 4.

 

 

Makikita lang aniya kung magtutuluy-tuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 kung magkakaroon ng ekstensiyon ang ECQ.

 

 

Sinabi naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kung susundin ang payo ng mga eksperto ay baka mas marami ang mamatay dahil sa gutom.

 

 

Titingnan din aniya ang kakayahan ng gobyerno na magbigay ng malawakang tulong sa mga apektadong mamamayan sa bawat linggo na naka-ECQ.

 

 

Kagabi inaasahang iaanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kung pagbibigyan ang kahilingan ng mga eksperto.

 

 

Una nang sinabi ng DOH na ang ECQ ay layon na iwasan ang projection na aabot sa 450,000 ang kabuuang aktibong kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Abril.  (Daris Jose)

Other News
  • PBA nakaabang sa bagong quarantine restrictions

    Panibagong paghihintay na naman ang gagawin ng PBA upang makapag-ensayo sa loob ng NCR plus bubble at ang planong masimulan ang Season 46 Philippine Cup sa susunod na buwan.     Hihintayin pa ng PBA ang bagong Joint Admi­nistrative Order mula sa GAB, DOH at PSC para sa guidelines ng training resumption sa NCR plus […]

  • Payroll pineke: Empleyado ng PSC buking sa P14.4M fraud

    Isang empleyado ng Philippine Sports Commission (PSC) ang inaresto ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation dahil sa pamemeke ng payroll  ng mga atleta at coaches.   Kinilala ni NBI officer-in-charge Eric B. Distor ang naaresto na si Paul Michael Padua Ignacio.   Nag-ugat ang reklamo kay Ignacio mula sa liham na ipinadala ng […]

  • Tanggapan ng Radio Veritas, isinailalim sa “pansamantalang lockdown”.

    Tiniyak ng himpilan ng Radio Veritas 846-ang Radyo ng Simbahan na patuloy na mapakikinggan sa himpapawid at mapapanood sa pamamagitan ng video streaming at Veritas 846 Facebook page ang mga misa at mga programa ng himpilan.     Ito ay kaugnay sa ipatutupad na ‘pansamantalang lockdown’ o  pagsasarado ng Radio Veritas main studio na matatagpuan sa […]