ECQ ngayon, walang mass gatherings- Sec. Roque
- Published on April 10, 2021
- by @peoplesbalita
NIRESBAKAN ng Malakanyang ang mga kritikong naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagtatanong kung bakit wala itong public event ngayong Araw ng Kagitingan.
Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa ilalim ang NCR sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan ay hindi hinihikayat ang mass gatherings.
“The President’s critics are asking why President Rodrigo Duterte has no public event to commemorate Araw ng Kagitingan. Lest they forget, we are under community quarantine, where gatherings are not encouraged,” ani Sec. Roque.
Idagdag pa na mataas ang aktibong kaso ng COVID-19 kung saan ay kailangan na tiyakin na hindi lamang ang kaligtasan ng Pangulo kundi maging ang physical well-being ng mga staff at security na “in charge” sa koordinasyon at preparasyon ng presidential engagement o event.
Hinggil naman sa sinasabi ng iba at kumakalat sa social media na photoshopped ang kuhang larawan ng Pangulo kasama si Senador Bong Go ay sinabi ni Sec. Roque na ang mga nag-iingay na ito ay ang mga “usual detractors” ng Punong Ehekutibo na walang nakikitang maganda sa nagagawa ng Chief Executive.
“Let them be,” ayon kay Sec. Roque
Nauna rito, pinaalalahanan naman ni Senador Bong Go ang mga kritiko ng Pangulo na naghahanap dito na “sa mga may masasamang Hangarin, Wag muna kayo mag celebrate!! Nandito lang si Tatay Digong. Tambak ang trabaho.”
Tugon ito ng Senador sa naglutangang espekulasyon sa social media na na-mild heart attack si Pangulong Rodrigo Roa Duterte bunsod na rin ng hindi natuloy na Talk to the People nito noong Lunes at dapat sana’y kahapon, Miyerkules ng gabi.
Pinatunayan kasi ni Senador Go sa kanyang Facebook post na maayos ang kalagayan ng Pangulo.
Ibinahagi nito ang ilan sa mga larawan kasama ang Chief Executive kung saan makikita ang tambak na paperwork nito dito sa Maynila.
Inilarawan pa ni Go ang suot nitong kulay dilaw na t-shirt na “associated” sa dating ruling Liberal Party.
“Hindi ito ang panahon ng pagsisisihan kundi panahon ng Pagtutulungan. Suot ko damit kong dilaw pero DU30 yan!!!” aniya pa rin.
Nauna rito, gustong makasiguro ng Malakanyang na hindi mako- kompromiso ang seguridad at kaligtasan ni Pangulong Duterte laban sa Covid-19.
Sinabi ni Go na nagpasyang ipagpaliban na muna ang talk to the people ng Chief Executive makaraang marami sa mga tauhan ng Presidential Security Group ang nag positibo sa Covid 19.
Hindi naman masabi ni Go ang eksaktong bilang ng psg personnel na nagpositibo sa Covid 19.
Siniguro naman ni Go na wala sa mga PSG personnel na ito ang nagkaroon ng direktang kontak sa Punong Ehekutibo.
Nais lamang aniya nilang makasiguro na wala munang magiging exposure ang Pangulo sa maraming PSG personnel.
Samantala, wala naman dapat na ipag alala ang publiko sa kalusugan ng Pangulo dahil “all is well” aniya ito, nasa mabuting kalagayan ang kalusugan at wala namang nararanasang anumang sintomas.
Sa katunayan ay nasa bahay lamang ang Pangulo sa Malakanyang at hindi muna makauuwi sa Davao City dahil nasa nananatiling nasa ilalim ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR Plus. (Daris Jose)
-
OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG
PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30. Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]
-
Ads June 10, 2022
-
PBBM sa mga ahensiya ng gobyerno: Maghanda para sa paparating na cyclone
INATASAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng gobyerno na maghanda sa tropical cyclone na inaasahan na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ngayong linggo. “We’ll just have to keep monitoring the situation and make sure, always, the rescue and relief don’t stop. It doesn’t matter [if] there’s another storm coming, […]