• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ECQ SA NCR PALALAWIGIN O HINDI, MAAGA PANG PAG-USAPAN

SINABI ni Health Secretary Francisco Duque III  na masyado pang maaga para pag-usapan kung palalawigin o hindi ang Enhanced Community Quarantine (ECQ ) sa National Capital Region (NCR).

 

 

Sa isang panayam, binigyan diin ng kalihim ang kahalagahan ng pagsunod sa minimum health standards matapos na sumirit ang bagong kaso ng  mahigit 12,000 nitong nagdaang dalawang araw.

 

 

“Sa ngayon maaga pa para pag-usapan ‘yan ” pahayag ng kalihim na siya ring chair ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF, ang kinatawan ng gobyerno sa paggawa ng patakaran sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

 

 

Ang NCR ay inilagya sa ECQ mula August 6 at magtatapos ito sa August 20 dahil na rin sa banta ng pagsirit ng kaso ng Delta variant ng COVID-19.

 

 

Tanging ang mga essential o mga APOR lamang ang pinapayagang lumabas o mag-travel.

 

 

Samantala, nais ng Department of Trade and Industry (DTI) na ang NCR ay mailagay sa ilalim ng isang hindi gaanong mahigpit na uri ng quarantine kapag tapos na ang  dalawang linggong ECQ sa Agosto 20.

 

 

Ang hakbang ayon kay  Trade Sec.Ramon Lopez  ay mas maghanda ang gobyerno na balansehin ang ekonomiya  at kabuhayan sa mga panganib sa kalusugan na nagmumula sa pagdagsa ng mga kaso ng COVID-19 dahil sa banta ng mas nakahahawang variant ng Delta.

 

 

Kaugnay nito, nanawagan si Duque  sa local government units sa NCR na pagigtingin  ang kanilang vaccination campaigm upang maabot ang herd immunity sa lalong madaling panahon.

 

 

“Nananawagan ako sa LGUs na talagang paigtingin ang ating vaccination campaign at para mas mabilis maabot ang herd immunity, mas lalong mabigyan ng proteksiyon mga mamamayan ng NCR,” wika ni Duque.

 

 

Ibinahagi ng kalihim na mahigit 40% ng residente sa NCR  ang fully vaccinated ba laban sa COVID-19 base sa datos ngayon.

 

 

Sa kabilang banda, ang pigura sa buong bansa ay nasa 16%, ayon kay Duque

 

 

Kahapon ay muling nakapagtala ng mahigit sa 12 libong kaso o pinakamtaas na daily tally simula April 24.

 

 

Sa kabuuan nasa 1,700.363 na ang mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Ayon naman sa ulat ng OCTA Reasearch noong August 12, ang NCR ay nakapagtala ng  reproduction number na 1.76 . (GENE ADSUARA) 

Other News
  • Galvez, clueless kung may koneksyon kay Yang ang mg executives ng Pharmally

    CLUELESS si Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. kung may koneksyon kay dating Presidential adviser Michael Yang ang executives ng Pharmally firm na nag-suplay sa bansa ng P8-billion COVID-19 pandemic supplies.   Ang pahayag na ito Galvez ay matapos ipakita at ipanood ni Senador Richard Gordon sa Senate inquiry ang isang footage mula sa state-run RTVM […]

  • Ads November 8, 2024

  • Polidario, Magdato wagi

    IBINAON  nina Alexa Polidario at Erjane Magdato ng Abanse Negrense A sina DM Demontano at Jackie Estoquia, 21-15, 21-17, upang magreyna nitong Linggo sa Gatorade 7th Philippine Super Liga (PSL) Beach Volleyball Challenge Cup 2021 sa Subic Bay Freeport.     “Sobrang saya. It’s a blessing kasi kahit first time namin mag-join ng ganitong league […]