EDGAR ALLAN, natupad na ang pangrarap na maging endorser ng sexy intimate apparel kaya proud sa photo na naka-underwear lang
- Published on October 5, 2021
- by @peoplesbalita
PROUD na inilagay ni Edgar Allan Guzman ang kanyang picture as the new endorser of the famed brand ng underwear.
Dream come true para kay EA na maging bahagi ng family ng famous brand. Kapag kasi kinuha kang endorser ng brand na ito, it is tantamount to saying na you have arrived. Iba ang dating mo. Sikat ka na.
Hindi lang kasi mga sikat na Pinoy celebrities ang kinukuhang brand ambassador ng brand kundi pati mga sikat na Korean stars din.
Sabi nga ni EA, his hard work has paid off. Matagal na niyang pangarap na maging endorser ng sexy intimate apparel na ito. Sexy ang dating ni EA sa kanyang pose where he showed his body. Tiyak na maraming beki ang natuwa nang makita ang seksing katawan ni EA na ngayon lang niya itinambad. Sabi nga, there is a right time for everything.
Hindi lang pogi points ang inani ni EA sa endorsement na ito. For sure ay maraming followers ang nadagdag sa kanyang IG at FB accounts.
***
MARAMING poseurs sa Facebook.
Maraming nagpapanggap na sila ang favorite mong artista. Maraming gumagawa ng fake accounts, assuming the identity of a popular person.
Kaya pag tayo nakatatanggap ng friend request from a popular person, hindi natin maiwasan na mag-isip baka poseur lang ito at hindi ang inaaakala natin na paborito natin artista.
May nagpadala sa amin ng message sa FB messenger, asking kung talaga bang si Cong. Vilma Santos-Recto nga ba ang nagpadala ng friend request sa kanya.
Tinignan namin ang litrato sa profile ng sender and told my friend na si Cong. Vilma nga ang nagpadala ng friend request sa kanya.
Excited naman ang friend namin na tinanggap ang request. “Mahirap naman basta tanggapin as a friend kasi alam mo na,” sabi ng friend namin.
It is not every day na you get a friend request from the Star for All Seasons. May ilan kakilala rin kaming nakita na friend na rin ni Cong. Vi sa social media.
Thrilled sila upon knowing na si Cong Vi nga yung nagpadala ng request sa FB. May You Tube channel na rin si Cong. Vi. Alam niya ang kahalagahan ng social media sa panahong ito.
Sure naman kami na responsible user ng social media si Cong.Vi. Dasal lang namin ay huwag mabiktima ng trolls and bashers ang Star for All Seasons.
***
AFTER TV 5, kung saan lumabas siya sa primetime drama na Nina, Nino, sa GMA 7 naman mapapanood ang award-winning actress na si Maja Salvador.
Kasama na nga si Maja sa Eat Bulaga, ang longest-running noontime show on Philippine television.
Marami ang natuwa sa pagpasok ni Maja sa Eat Bulaga. Maraming mga celebrities ang bumati at nag-congratulate sa kanya. Being a member of Eat Bulaga is indeed a big blessing for Maja.
Kabilang sa showbiz peeps na bumati kay Maja on her IG account ay sina Rayver Cruz, Amy Austria, Ryan Agoncillo, at Paolo Ballesteros, among many others.
Tiyak na mag-e-enjoy si Maja kasama ang kanyang bagong family sa Eat Bulaga.
(RICKY CALDERON)
-
Bagong number coding scheme pinag-aaralan
May bagong number coding scheme ang pinag-aaralan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ipapatupad kung saan dalawang (2) araw sa isang (1) linggo na bawal ang pribadong sasakyan na lumabas sa mga lansangan. Inihayag ito ni MMDA chairman Romando Aries sa isang panayam na ginawa noong nagkaron ng President Duterte’s Talk to […]
-
Nominado naman sa ‘2023 BAFTA Film Awards’: DOLLY, patuloy na umaani ng tagumpay at pagkilala dahil ‘Triangle of Sadness’
PATULOY na umaani ng tagumpay at pagkilala abroad ang Filipina actress na si Dolly de Leon dahil nominado naman siya sa 2023 BAFTA Film Awards sa United Kingdom para sa pelikulang “Triangle of Sadness.” Muli niyang makakalaban sa naturang kategorya sa BAFTA si Angela Bassett mula sa Black Panther: Wakanda Forever at sina Hong Chau (The […]
-
DOTr: Mga biyaherong naapektuhan ng GCQ bubble, libreng magpa-rebook
Inihayag ng isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) na maaaring mag-refund o magpa-rebook ng libre ang mga biyahero mula sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan, na ang mga biyahe ay nakansela dahil sa ipinairal na general community quarantine (GCQ) bubble ng pamahalaan. Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon, naglabas na […]