• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Efren ‘Bata’ Reyes, nais mapabilang ang Billiard bilang Olympic sports

UMAASA si Filipino sports legend Efren ‘Bata’ Reyes na mapapabilang ang billiard bilang Olympic sports.

 

 

Sa panayam sa tinaguriang ‘The Magician’, sinabi niyang matagal na niyang pangarap na mapabilang ang naturang laro sa pinakamalaking sports competition sa buong mundo.

 

 

Dati na rin aniyang nag-demonstrate ang mga billiards player noong dekada 90 upang maipasok sana ang naturang sports sa Olympics ngunit hindi aniya ito napagbigyan.

 

 

Ayon kay Reyes, nais din niyang irepresenta ang Pilipinas sa naturang sports kung papayagan itong maging isang Olympic event.

 

Ayon kay Reyes, malaki ang potetial ng mga Pinoy Billiards player kung sakaling pagbibigyan ang kanilang kahilingan na gawin itong Olympic sports.

 

 

Sa kasalukuyan, maraming mga bagitong manlalarong Pinoy aniya na nagpapakita ng kagalingan sa paglalaro ng Billiard hindi lamang sa mga lokal na torneyo kundi maging sa iba pang mga international competition.

Other News
  • 214 Bulakenyong naghahanap ng trabaho, hired on the spot sa TNK Fiesta Caravan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Dalawang daan at labing-apat na Bulakenyo ang pumunta na naghahanap ng trabaho at umuwi na may sigurong hanapbuhay sa kanilang pagkaka-hired on the spot sa ginanap na Trabaho Negosyo Kabuhayan (TNK) Fiesta Caravan Job and Business Fair Local and Overseas Employment na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito noong […]

  • Ads August 30, 2022

  • KISSES, pumasok sa Top 10 pero hindi na pinalad sa Magic 5 ng ‘Miss Universe Philippines’

    HINDI pinalad makapasok sa Magic 5 ng Miss Universe Philippines search si Kirsten Danielle ‘Kisses’ Delavin.     Hanggang Top 10 ang beauty ng dalaga who represented Masbate.     Dapat sana ay kinunsulta muna ni Kisses ang imaginary mirror ng award-winning talk show host na si Boy Abunda at baka may magandang sagot siya […]