• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ekonomiya ng Phl lumago ng 7.1% sa Q3 ng 2021

Bahagyang lumago ulit ang ekonomiya ng Pilipinas para sa third quarter ng 2021, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

 

 

Pero ayon kay National Statistician Claire Dennis Mapa, mas mabagal ang paglago ng ekonomiya noong third quarter ng kasalukuyang taon kumpara sa naunang period.

 

 

Ito ay dahil na rin sa reimposition ng striktong lockdowns bunsod ng paglaganap ng mas nakakahawang Delata COVID-19 variant.

 

 

Sa third quarter ng taon, sinabi ni Mapa na lumago ang gross domestic product (GDP) ng bansa ng 7.1 percent, mas mababa sa revised 12 percent growth na naitala noong second quarter ng 2021.

 

 

Ang year-to-date GDP ng bansa ay lumago naman ng 4.9 percent, pasok sa revised target band ng pamahalaan na 4 percent hanggang 5 percent para sa buoang 2021.

 

 

Ayon kay Mapa, kailangan na lamang lumago ng ekonomiya ng 5.3 percent sa fourth quarter ng taon para maabot ang upper end ng full-year growth coal ng pamahalaan

Other News
  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]

  • Haponesa sasawatain si Saso

    KAKASAHAN si Yuka Saso ng Pilipinas nG 16-time Japan Ladies Professional Golf Association (JLPGA) champion na si Ai Suzuki ng Japan para hindi maparehasan ang three-straight title mark niya sa mayamang liga.   Maski ang iba pang mga kasali kaparehas ang misyon ng Japanese laban sa 19-year-old na Fil-Jap sa paghampas ngayong Biyernes (Setyembre 4) […]

  • PBBM, labis na ikinalungkot ang pagkasawi ng tatlong mangingisda sa Bajo de Masinloc

    LABIS na ikinalungkot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  ang napaulat na tatlong mangingisda ang nasawi matapos banggain ang sinasakyan nilang bangka sa karagatang sakop ng Bajo de Masinloc.     Ang insidente ayon sa Pangulo ay kasalukuyan nang iniimbestigahan.     “We are deeply saddened by the deaths of the three fishermen, including the captain […]