• November 2, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ekonomiya ng Pinas mabagal na lumago sa first quarter, pumalo lang sa 8.2%

PUMALO sa 8.2% sa unang tatlong buwan ng  2022 ang ekonomiya ng Pilipinas.

 

 

Ayon sa Philippine Statistics Authority, maituturing na milder o mas banayad ito kumpara sa inisyal na 8.3% rate.

 

 

Ang revision o pagbabago ayon sa PSA ay dahil sa  downward adjustments sa mga sumusunod na sektor gaya ng “real estate and ownership at 5.9%, from 7.9%, manufacturing at 9.8%, from 10.1% at wholesale and retail trade, repair of motor vehicles and motorcycles at 7%, from 7.3%.”

 

 

Sa kabila ng mababang pigura, ang first-quarter expansion ng ekonomiya ay nananatiling mabilis kumpara sa 7.8% registered mula Oktubre hanggang Disyembre ng nakaraang taon.

 

 

Itinaas din ng ahensiya ang growth estimate para sa Net Primary Income (NPI) mula sa Rest of the World growth, mula 103.2% sa 105.4%.

 

 

Ang NPI ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng “inflows and outflows” ng kompensasyon ng mga empleyado at property income.

 

 

“However, it also revised downward its estimate for Gross National Income growth from 10.7% to 10.6%. GNI measures the total money earned by a country and covers both its gross domestic product and income from overseas,” ayon sa PSA.

 

 

“The Philippine Statistics Authority (PSA) revises the GDP estimates based on an approved revision policy (PSA Board Resolution No. 1, Series of 2017-053) which is consistent with international standard practices on national accounts revisions,” dagdag na pahayag ng PSA.

 

 

Nakatakda namang iulat ng PSA ang kanilang second quarter GDP figures ngayong araw ng Martes, Agosto 9, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • Ads October 26, 2021

  • Ads September 28, 2020

  • ALDEN, pinapaghintay ni ANDREA dahil gustong makatambal sa pelikula

    NOONG December 20, ang flight ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards for the US para sa Christmas vacation na dalawang taon ding hindi niya nagawa.      Sayang lamang at hindi na nakakuha ng visa ang ibang members ng family niyang lagi niyang kasama sa mga previous trip nila abroad.  Makakasama niya ang pinsang si […]