• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18: KIM at PAULO, itatampok ang tatak Pinoy na kilig sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’

UMAAPAW na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18. 

Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino.

“As proud Pinoy, maraming nilagay ang mga writers namin and everyone involved sa paggawa ng ‘Secretary Kim’ the Philippine version. Maraming Filipino touch such as family oriented or ‘yung mga more comedy side.

“Actually kapag pinanood mo siya side by side, medyo parehas siya [sa Korean counterpart]. Pero ‘yung story namin is more Filipino and mas nakaka-relate ‘yung karamihan,” sabi ni Kim sa mediacon para sa serye.

“There’s always pressure whenever you do an adaptation. But what we did was to stick to the script and be true to our culture to show how well we can do it as Filipinos,” dagdag pa ni Paulo.

Ipapamalas din ng KimPau ang kanilang pangmalakasang chemistry dahil siksik sa kilig at good vibes ang mapapanood sa kauna-unahan nilang romcom serye bilang ang kanilang mga karakter na sina Secretary Kim (Kim) at Brandon Manansala Castillo o BMC (Paulo).

“This one’s gonna be really different. Kung naghahanap kayo ng magpapasaya, magpapatawa, at magpapakilig sa inyo, ito ‘yung palabas na dapat ninyong subaybayan. Coming from very heavy and serious characters, I’m happy to be given a chance to play a role like this. Nakaka-excite,” sabi ni Paulo.

Kwento pa ni Kim, “It’s a combination of kilig, romance, family, friendship, about ambition and dreams. After you watch the show, feel-good lang. Something to smile about. We promised them na hindi sila mabibigo.”

Mula sa direksyon ni Chad V. Vidanes, sinusundan ng “What’s Wrong With Secretary Kim” ang kwento ng mahusay na sektretarya na si Secretary Kim at ang perpekto niyang boss na si BMC. Unti-unti nilang madi-diskubre na inlove sila sa isa’t isa nang biglang mag-resign si Secretary Kim mula sa kanyang posisyon.

Kasama rin sa serye sina Jake Cuenca, Janice De Belen, Romnick Sarmenta, Angeline Quinto, Pepe Herrera, Franco Laurel, JC Alcantara, Kaori Oinuma, Gillian Vicencio, Yves Flores, Cai Cortez, Phi Palmos, Kat Galang, at Brian Sy, kasama ang special participation ni Kim Won Shik.

Esklusibong mapapanood ang “What’s Wrong With Secretary Kim” sa Viu simula Marso 18 kapag i-download ang Viu app o bisitahin ang www.viu.com. Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook, Twitter, TikTok, at Instagram o bisitahin ang www.abs-cbn.com/newsroom.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mas tumatapang habang tumatanda: HEART, ‘di na ipipilit na mabuntis dahil dagdag pressure lang

    HINDI na raw ipipilit ni Heart Evangelista ang mabuntis dahil dagdag pressure daw iyon sa pagsasama nila ng mister niyang si Sen. Chiz Escudero. Pababayaan na lang daw nilang dumating ang hinihiling nilang sanggol sa natural na paraan para iwas stress sa kanilang dalawa ni Chiz. “Hindi ko siya pinag-uusapan actually, kahit maraming nagtatanong because […]

  • BEN AFFLECK’S “AIR” TO BE DISTRIBUTED BY WARNER BROS. IN PH

    MANILA, February 15, 2023 — “AIR,” directed by Ben Affleck, from Amazon Studios, Skydance Sports, Mandalay Pictures, and the first project from Affleck and Matt Damon’s Artists Equity, will receive a wide theatrical release in the Philippines through Warner Bros. Pictures starting April 19, 2023.     [Watch the trailer of “AIR” at https://youtu.be/7OKPknt7EtU]     In […]

  • Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon

    HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.     Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.     Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary […]