• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ELLA, inamin na parang ‘hinusgahan’ niya agad si Direk DARRYL dahil sa mga bashers

HUMARAP sa members of the media ang cast ng Gluta para sa very first face to face presscon ngayong pandemic.

 

 

Dumalo sa presscon sina Ella Cruz, Marco Gallo, Rose Van Ginkel, at Juliana Parizcova Segovia who all expressed excitement dahil muli nilang nakaharap ang members of the media in the flesh.

 

 

Ayon kay Ella, maganda ang mensahe ng Gluta which is “walang kulay ang kaligayahan.”

 

 

“We must learn to accept ourselves. Mahalin din natin ang sarili natin and I assert natin what we think is right,” sabi pa ni Ella.

 

 

Nag-enjoy siya doing Gluta at marami raw siyang natutunan about life mula kay Direk Darryl Yap.

 

 

Inamin din ni Ella na parang “hinusgahan” niya si Direk Darryl dahil sa mga bashers nito sa social media. Pero nang makilala niya ito while shooting the film ay nag-iba ang tingin niya rito.

 

 

“Ang bait-bait ni Direk Darryl. He is very cool director. Hindi siya sumisigaw sa set. Masaya ang shoot naming. Would you believe we were able to finish the film in five days? Ganyan kabilis magtrabaho si Direk Darryl pero maganda naman ang kinalabasan,” sabi pa ni Ella.

 

 

“He tells his stories in a good way. At may magandang mensahe siya sa bawat project na ginagawa niya.”

 

 

Dahil sa magandang mensahe ng Gluta kaya napapayag si Ella na tanggapin ang project.  Nagustuhan na niya agad ang kwento when Direk Darryl told her about it.

 

 

***

 

 

BIGGEST break ni Juliana Parizcova Segovia ang Gluta at medyo naging emotional siya nang ikwento na naging victim rin siya ng bullying dahil sa kanyang itsura.

 

 

Pero hindi raw niya akalain na maganda ang role na ibibigay sa kanya ni Direk Darryl.

 

 

Sobrang naka-relate si Juliana sa kanyang role bilang Aeta na uncle ni Angel (played by Ella Cruz). Ipinakita pa nga ang isang lumang litrato sa kanyang cellphone kung saan kahawig niya ang karakter niya.

 

 

“Kailangan lang na tanggapin ko ang flaws ko, accept who I am. Nang gawin koi to, mas naging confident ako sa sarili ko.  Sana mahalin din natin ang sarili natin kasi if we do that, mamahalin din tayo ng mga tao sa paligid natin.

 

 

Hindi man tayo maganda sa paningin ng ibang tao, deserve din naman natin na maging masaya,” sabi pa ni Juliana na sobrang saya dahil sa magandang takbo ng kanyang career bilang artista.

 

 

“Isa akong baguhan na nangangarap na may marating sa showbiz. Sana mabigyan ako ng pagkakataon na maipakita ang talent ko.”

 

 

Gluta” will be streamed sa Vivamax simula July 2. Available ito online at web.vivamax.net. Pwede ma-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store or App Store.

 

 

***

 

 

BIBIGYAN ng bagong kahulugan ng “Tawag ng Tanghalan” season 4 grand finalist na si Makki Lucino ang ballad na “She Used to Be Mine,” sa sariling rendisyon.

 

 

“Gusto naming maging paalala ito sa lahat na ‘wag matakot sa pagbabago, na laging i-celebrate ang buhay, at yakapin ang edad natin,” ani Makki, na una nang pinerform ang kanta bilang contestant sa “Tawag ng Tanghalan.”

 

 

“Kinanta ko po siya sa ‘Tawag Ng Tanghalan’ bago makapasok ng top 6, ‘yung feedback po ay na-touch ‘yung mga tao, naiyak sila. ‘Yun po ‘yung maganda, na I was able to touch other people’s hearts,” dagdag niya.

 

 

Ayon kay Makki, gusto niyang kumatawan sa LGBTQ+ community at magdala ng inspirasyon sa mga Pilipino gamit ang madamdamin niyang performances at mga ilalabas na kanta—na uumpisahan ng bersyon niya ng “She Used to Be Mine.”

 

 

Isinulat at kinompose ng American singer-songwriter na si Sara Bareilles ang kanta para sa musical na Waitress, na ipinaparamdam ang emosyon ng isang taong hindi na makilala ang dati at kasalukuyan niyang pagkatao, pati na ang pagtataka kung sino siya ngayon kung naiba ang kanyang sitwasyon.

 

 

Samantala, matapos ang “Tawag ng Tanghalan” journey niya, sumabak na rin sa livestreaming sa kumu si Makki sa “Queer of Soul,” na napapanood kada Lunes at Wednesday sa SeenZone channel (@seenzonechannel) tuwing 6 pm.

 

 

Napapakinggan ang rendisyon ni Makki ng “She Used to Be Mine” sa iba’t ibang digital music streaming services. Para sa iba pang detalye, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).

(RICKY CALDERON)

Other News
  • P20/kilo ng bigas, hindi pa posible sa ngayon – DA chief

    AMINADO ang bagong talagang Kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Sec. Francisco Tiu Laurel Jr. na hindi pa posibleng ngayon na maibaba ang presyo ng bigas sa ipinangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong kampanya na P20 kada kilo.     Subalit hangad pa rin aniya ng ahensiya na maibaba ang presyo ng […]

  • P4 BILYON NA DROGA, SINUNOG SA CAVITE

    TINATAYANG mahigit sa P4 bilyon halaga ng hinihinalang droga ang sinunog sa Integrated Waste Management Inc. (IWMI) sa Brgy Aguado, Trece Martires City Huwebes  ng umaga .      Ang naturang mga droga ay kabilang sa mga iba’t-ibang drug evidence na nakumpiska mula sa mga drug operations na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) […]

  • Future elections sa bansa, hindi masisira ng karahasan

    UMAASA ang Malakanyang na ang future elections sa bansa ay hindi masisira ng karahasan.   Kasalukuyang hinihintay ng Malakanyang at ng buong mundo kung sino kina incumbent US President Donald Trump at Democratic challenger Joe Biden ang mananalo sa White House.   “Sana po matutunan din natin na magkaroon ng eleksyon na walang nasasaktan, walang […]