EMERGENCY HIRING PROGRAM NG DOH, INISNAB
- Published on July 30, 2020
- by @peoplesbalita
MISTULANG inisnab ng mga aplikante ang inaalok na emergency hiring program ng pamahalaan para maging “augmentation” ng mga frontliners sa paglaban sa COVID19 pandemic.
Ayon kay Health Usec Ma.Rosario Vergeire sa ginanap na virtual briefing, sa kabila ng may bakante at pondo pero hindi umano kinagat ito ng mga aplikante.
“Unfortunately,hirap na hirap na kami,kasi ang daming position ,may pera na ibinigay ang Bayanihan Fund,kaya lang walang takers,walang masyadong kumukuha ng slots na.meron tayo,”ayon kay Vergeire,”.
Ayon kay Vergeire,noong una silang nagpalabas ng volunteers and emergency hiring marami umano ang nag a-apply pero sa kasalukuyan ay pa konti-konti na lang.
“Kung ilalagay natin yan sa graph,pataas dati ngayon nagpa-plateu na siya,”dagdag pa ni Vergeire.
Nabatid na pinag-uusapan na ngayon sa DOH,ang susunod na hakbang na gagawin para mapigil ang transmisyon ng virus. (GENE ADSUARA)
-
RACHELLE ANN, natupad ang wish na makasama sa London ang kanyang mommy bago isilang ang first baby nila ni MARK
NATUPAD ang wish ng international stage actress-singer na si Rachelle Ann Go-Spies, na makasama sa London ang Mama Russell niya, ngayong ilang araw na lamang at magsisilang na siya ng first baby nila ng American businessman husband niyang si Mark Spies. Hindi siya umasa na makararating ang ina dahil sa pandemic na nararanasan […]
-
BILANG NG KASO NG COVID-19 SA KYUSI NASA HIGIT 11K NA
PATULOY na nadaragdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa Quezon City. Sa huling datos ng Quezon City Health Department , umabot na sa 11,464 ang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.Ang nasabing mga kumpirmadong kaso sa lungsod ay validated na ng QCESU at district health centers.Samantala sa […]
-
Ex-Pres. Duterte itinangging nasa kustodiya niya si Quiboloy
PINABULAANAN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagtatago sa kaniyang bahay si Pastor Apollo Quiboloy. Ito ay matapos ang bigong paghahanap ng mga otoridad sa Pastor noong suyurin ang kinaroroonan nito sa lungsod ng Davao. Dagdag pa ng dating pangulo na maraming mga bahay sa Davao si Quiboloy kaya marapat na […]