Emosyonal na ibinahagi ang huling pag-uusap: BOY, dream na ma-interview si MIKE pero ‘di natuloy
- Published on September 4, 2023
- by @peoplesbalita
EMOSYONAL na ibinahagi ni Boy Abunda ang ilan sa mga naging huling pag-uusap nila ng yumaong kaibigan na si Mike Enriquez sa isang espesyal na episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’.
Sa nasabing episode, madamdaming ikinuwento ng host ng programa ang huling pag-uusap nila ng batikang broadcaster noon bago siya magbalik sa GMA Network.
Ayon kay Boy, magkasama sila noon ni Mike sa GMA at hindi lang bilang magkatrabaho kundi bilang magkaibigan.
Kuwento ni Boy, “Nagkasama po kami ni Mike noong early ’90s dito sa GMA-7. Kami’y magkaibigan at nanatiling magkaibigan nang maraming maraming taon.”
Paglalahad pa ng batikang TV host, tinawagan niya si Mike noon bago siya bumalik sa GMA nito lamang Enero 2023.
Aniya, “Naalala ko po noong ako’y babalik na dito sa GMA-7, I remember calling Mike and I said, ‘I have to tell you that I’m coming back to GMA-7, and what a shame it would be if I don’t let you know.’
“Sabi po sa akin ni Mike, ‘I would not have forgiven you, had you not called me.’”
Pagbabahagi pa ni Boy, hindi rin tumanggi si Mike nang alukin niya ito noon na maging guest sa kanyang talk show.
“Sabi ko, ‘Mike, sana kapag nagsimula na ang Fast Talk, makabisita ka sa amin.’
“It was a dream to interview Mike Enriquez. Alam ko hindi natuloy, but he said, ‘Yes,’” ani Boy.
Dagdag pa ni Boy, “He said, ‘Yes,’ he would come to the show. Pero alam ko po na hindi na matutuloy but he will always be in my heart and he will always be my Mike.”
Bukod dito, inalala rin ni Boy si Mike bilang isang mabuting tao at kaibigan.
“He was a lovely man. He was a wonderful wonderful friend,” paglalarawan ni Boy kay Mike.
“Salamat at paalam, Mike Enriquez,” huling sinabi ni Boy.
****
ITINUTURING na Bad Boy ng Dancefloor si Mark Herras kaya naman marami ang umiidolo sa kanya pagdating sa sayawan.
Isa na rito ang dating miyembro ng boy group na Hashtags na si Bugoy Carino.
At kamakailan ay natupad na ang pangarap ni Bugoy na makasayaw at makatrabaho ang kaniyang idolong si Mark.
Sa kanyang Tiktok, ay pinost ni Bugoy ang dance challenge nila ni Mark kasama ang iba pang celebrities na sina Zeus Collins at Kid Yambao na mga kasamahan rin ni Bugoy sa Hashtags.
Bukod dito, isa pang pangarap ni Bugoy ang natupad at ito ay ang makasama niya si Mark sa pag-arte dahil kasama sila ni Mark sa pagbibidahang pelikula ni Bugoy na “Huling Sayaw.”
“Hindi ko nga po akalain na makakasama ko si Kuya Mark kasi dati sobrang idol ko siya.
“Isa sa mga idol ko nakasama ko sa movie tsaka nakasama ko pang sumayaw, so sobrang, grabe, wala akong masabi,” sabi ni Bugoy.
Mula sa Camerrol Entertainment Productions, ang “Huling Sayaw” ay sa direksyon ni Errol Ropero (na isa rin sa mga producer) at mula sa mga executive producers na sina Ronald Allan Guinto, Michael Endaya, Hon. Melvin Vergara Vidal, at Hon. Amado Carlos Bolilia IV.
Ipapalabas sa September 13, kasama nina Bugoy, Zeus at Mark sa movie sina Ramon Christopher, Christian Vasquez, Emilio Garcia, Jeffrey Santos, Jao Mapa, Rob Sy, at Mickey Ferriols.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Posible sanang ma-extend pero ‘di na uubra: BEAUTY, labis ang pasasalamat sa tagumpay ng ‘Stolen Life’
EXTENDED na naman ang ‘Abot Kamay Na Pangarap’. Si Allen Dizon mismo ang nagkumpirma sa amin na sa halip na March ay aabot ng April ang top-rating Kapuso series nila nina Jillian Ward, Carmina Villarroel at Richard Yap. Pero hirit pa rin ni Allen, “Pero hindi pa nila masabi kung hanggang […]
-
TAYLOR SWIFT COMPOSES SONG “CAROLINA” FOR “WHERE THE CRAWDADS SING”
COLUMBIA Pictures’ gripping mystery-drama Where the Crawdads Sing boasts of the new original song by Taylor Swift titled Carolina which she composed after reading Delia Owens’ bestselling novel from which the film was based. [Watch the song’s lyric video at https://youtu.be/egxyRSb_XtI] “About a year and half ago I wrote a song about an incredible story, the story of a girl […]
-
Ads June 19, 2024