• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Employment rate sa Pinas, tumaas ng 96% noong Agosto

TUMAAS ng 98% ang employment rate sa Pilipinas noong Agosto ngayong taon.

 

Sinabi ni National Statistician Dennis Mapa na nakapagtala ito ng 95.6% sa kaparehong buwan ng nakaraang taon.

 

Sinabi ni Mapa na ang resulta ng pinakabagong labor force survey ay nagpapakita na ang employment rate noong Agosto ay mas mataas kaysa sa naitalang 95.3% noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang ng mga ’employed Filipino’ noong Agosto 2024 ay 49.15 milyon, tumaas ang bilang ng mga employed persons noong Agosto 2023 na may 48.07 milyon at Hulyo 2024 na may 47.70 milyon.

 

Ang ‘top five industries’ na may malaking pagtaas ay ang ‘wholesale and retail trade (+1.13 million), public administration and defense (+678,000), accommodation and food service activities (+537,000), other service activities (+380,000), at transportation and storage (+342,000).’

 

Sinabi ni Mapa na ang Labor Force Participation Rate (LFPR) noong Agosto at 64.8% o 51.22 milyong Filipino na may edad na 15 taon at pataas na may trabaho o walang trabaho, tumaas mula sa 50.29 milyon noong Agosto ng nakaraang taon.

 

“The story basically is we have more female workers joining the labor force,” ang sinabi ni Mapa.

 

“Year-on-year between August 2023 and August 2024, about 1.03 million female workers joined the labor force and about 1.03 million were absorbed in the labor market, meaning they are employed. Most of them worked for more than 40 hours a week,” dagdag na wika nito.

 

Sa kabilang dako, ang unemployment rate ay bumagsak naman sa 4.0% mula sa 4.4% noong Agosto ng nakaraang taon at 4.7% naman ang naitalang noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang ng mga Filipinong walang trabaho ay 2.07 milyon, mas mababa kaysa sa 2.22 milyon noong Agosto 2023 at 2.38 milyon noong Hulyo ng taong kasalukuyan.

 

Ang bilang naman ng mga underemployed, o iyong mga nagpahayag na magkaroon ng karagdagang oras sa kasalukuyan nilang trabaho o karagdagang trabaho o bagong trabaho na may mababang oras ng trabaho ay nananatili sa 5.48 milyon, lumalabas na ang underemployment rate ay 11.2%, bumaba mula sa 11.7% noong Agosto 2023. (Daris Jose)

Other News
  • Na-enjoy ang bonding nila ni Christophe: GLADYS, nag-hula hoop sa sikat na tourist destinations sa London

    TUNAY ngang super sikat na ang pares overload queen na si Diwata . Pinagkaguluhan si Diwata ng mga businessman, mga celebrity at iba pa na nasa grand ballroom ng Okada Hotel.       Isa kasi si Diwata sa awardee ng katatapos na Asia Golden Icon awards 2024 naNag-hula hoop siya sa Abbey Road, sa […]

  • Hot Shot star Marc Pingris magreretiro na sa PBA

    Magreretiro na sa paglalaro ng Philippine Basketball Association (PBA) si Magnolia Hot Shot player Marc Pingris.     Isinagawa nito ang anunsiyo sa sarili nitong social media account kung saan ikinuwento niya ang unang sabak niya sa PBA noong 16- taon na ang nakakaraan.     Hindi aniya nito malimutan ng tawagin ang kaniyang pangalan […]

  • Korea umatras na sa FIBA Asia Cup qualifiers dahil sa banta ng COVID-19

    UMATRAS na ang Korea sa pagsali sa 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin ngayong buwan sa Manama, Bahrain.   Ayon sa Korea Basketball Association (KBA) na dahil sa pangamba ng COVID-19 sa mundo ay kaya sila nagdesisyon na umatras na.   Nakatakda sanang makaharap nila ang Gilas Pilipinas sa Nobyembre 28 at ang koponan […]