ENRIQUE, kinilig nang tinanong ng diretso ni MATTEO kung kailan sila magpapakasal ni LIZA
- Published on August 7, 2021
- by @peoplesbalita
KINIKILIG si Enrique Gil sa naging podcast interview ni Matteo Guidicelli sa kanilang dalawa ng girlfriend na si Liza Soberano.
Tinanong kasi ng diretso ni Matteo ang mga ito kung kailan daw pakakasal.
Then, nagbigay pa ito ng assurance kina Liza at Enrique na tulad nga ng experience niya ngayong mag-asawa na sila ni Sarah Geronimo, sinisigurado raw niyang ibang level.
“It’s different level of comfort. Different level of happiness.”
Sinegundahan naman ito ni Enrique na the way pa lang nga na mag-response sa tanong ni Matteo ay parang gusto na rin at kinikilig nga.
Pagsang-ayon ni Enrique, “I’m sure, brother. ‘Yun na, e. Everything. It’s all.” May business venture sina Enrique at Liza, ka-partner si Ranvel Rufino. At ayon kay Liza, marami pa raw silang naka-plano na hindi pa lang nila maia-announce.
Walang duda na isa ang LizQuen sa matatag din talaga ang relasyon on and off cam.
***
POSIBLE kayang si Julia Montes na ang huling magiging leading lady ni Coco Martin a.k.a. Cardo Dalisay ng FPJ’s Ang Probinsyano?
Kung sa totoong buhay, hindi man umaamin ng lantaran ang dalawa, pero ilang taon na rin talaga ang anumang namamagitan sa kanila.
So, not unless kahit walang forever pero sa FPJAP ay “may forever” na siguro naman nga, senyales na ngayong si Julia na ang leading lady ni Coco ay hanggang sa huli na siya.
Dahil sasabak sa action, may pa-motorcycle training na rin si Julia na shinare niya sa kanyang Instagram account.
Sey niya, “Watch this sneak peek ng motorocycle training ko for Ang Probinsyano! Madami nakakasabik na eksena ang dapat po ninyong abangan kaya sana samahan po ninyo ako. Promise ko po sa inyo is to keep you updated. Wish me luck, guys! This is thrilling!”
Bago ang motorcycle training, nag-post din si Julia ng video na nagta-target shooting naman siya.
Wala man sa video, hindi na kami magugulat kung nasa tabi lang niya at naka-alalay si Coco, huh!
***
MINSAN talaga sa isang teleserye, hindi mo mapi-predict agad kung sino ang magsa-shine o magma-marka.
Kaya applicable pa rin talaga ang walang malaki o malaking role sa talagang mahusay.
Imagine, sa rami ng cast ng GMA Primetime series na Legal Wives ang napapansin at napag-uusapan at madalas din mabanggit talaga sa mga post ay ang Kapuso Star na si Ashley Ortega bilang si Marriam.
Meaning, effective itong kontrabida at ang dami ng naiinis sa kanya. So, malamang very happy si Ashley sa natatanggap niyang mga galit, este, papuri.
Aba, sa female cast na lang na tatlo ang leading ladies ni Dennis Trillo na sina Alice Dixson, Andrea Torres at Bianca Umali, heto’t nangangabog si Ashley ha.
(ROSE GARCIA)
-
OPS, nagpasalamat sa serbisyo ng mga Filipino nurses sa gitna ng pandemya
PINASALAMATAN ng Office of the Press Secretary (OPS) ang mga Filipino nurses sa Pilipinas at sa ibang bansa para sa naging serbisyo nito lalo na noong kasagsagan ng Covid-19 pandemic. Ang pahayag na ito ng OPS na naka-post sa kanilang official Facebook page ay bahagi ng pagbati sa ginagawang pag-obserba ng bansa sa […]
-
PDu30, pinadalhan na ng imbitasyon para sa campaign rally ng pagsasanib ng PDP-Laban at UniTeam
KINUMPIRMA ng Malakanyang na imbitado si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inihahandang campaign rally para sa gagawing unification ng PDP at Uniteam. Ito ang inihayag ni Acting Presidential Spokesperson at PCOO Secretary Martin Andanar matapos ang pag- uusap ng UniTeam at PDP-Laban para sa ikakasang joint rally. Sa katunayan ani Andanar […]
-
Pagdami ng miyembro ng Pag- Ibig, indikasyon na maraming mga Pinoy ang nais na magkaroon ng sariling tahanan -PBBM
PATULOY ang pagdami ngayon ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund Ngayon. Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ito’y isang indikasyon na sadyang maraming mga Filipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay. Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang […]