• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Environmental protection efforts, tinalakay ni PBBM sa DENR chief

TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr. kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga inisyatibo na naglalayong protektahan ang kapaligiran.

 

 

Makikita sa official Facebook page ng Office of the President (OP) ang mga larawan na kuha sa nangyaring pagpupulong nina Pangulong Marcos at  Yulo-Loyzaga sa Malakanyang.

 

 

Partikular na pinag-usapan nina Pangulong Marcos at Yulo-Loyzaga ang environmental protection efforts na makatutulong sa  Department of Environment and Natural Resources (DENR) na magampanan ang mandato na protektahan at alagaan ang kapaligiran.

 

 

“President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. met with the new DENR Secretary Ma. Antonia Yulo-Loyzaga to discuss topics concerning our environment such as development, enhancement, up to restoration and regeneration of our natural resources, and digitizing databases and systems of the department,” ang nakasaad sa Facebook page

 

 

Sa kabilang dako, mandato ni DENR Secretary, Yulo-Loyzaga na panindigan ang mandato ng departamento na naglalayon  para sa “conservation, management, development, and sustainable use of the country’s ecosystems and natural resources.”

 

 

Ang pagkakatalaga kay Yulo-Loyzaga ay nangyari  sa gitna ng  environmental issues, kabilang na ang sakuna dahil sa climate change, environmental pollution, illegal wildlife activities, at iba pang usapin ukol sa “land, mining, biodiversity loss and forestry.”

 

 

Samantala, sa isang kalatas sa Presidential Communications’ Facebook page, sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na kumpiyansa si Pangulong Marcos na “best fit for the job” si  Yulo-Loyzaga.

 

 

“The Chief Executive expressed his trust and confidence in the DENR chief, citing her stint as the chairperson of the International Advisory Board of the Manila Observatory will be vital in envisioning the agenda of the government to address climate change and other environmental issues,” ayon sa OPS.

 

 

Habang sa official Facebook page naman ni Pangulong Marcos, tiniyak nito sa publiko na magsasagawa siya ng masusing ebalwasyon sa mga programa at polisiya ng departamento at tanggapan sa ilalim ng  Executive Branch, kabilang na ang  DENR.

 

 

“Susuriin natin ng mabuti ang bawat plano, programa, at polisiya upang masigurado na nararapat at naaakma ang mga ito sa pangangailangan ng bawat Pilipino,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • OIL SPILL, PINAGHAHANDAAN NA NG PCG

    PINAGHAHANDAAN na ng Philippine Coast Guard (PCG) para sa contingency measures matapos makakita ang Coast Guard Sub-Station Tubbataha ng oil sheen malapit sa baybayin kung saan lumubog ang  dive yacht noong Linggo ng umaga, Abril 30.     Sinabi ni PCG spokesperson Rear Admiral Armand Balilo na patuloy ang monitoring sa sitwasyon sa lugar kung […]

  • LeBron unang may edad na NBA player na nagbuhos ng 43-pts at 14 rebounds sa panalo ng Lakers

    Buwena mano sa kanyang selebrasyon ng ika-37 kaarawan, muling nagpakitang gilas sa kanyang performance ang superstar na si LeBron James upang bitbitin sa panalo ang Los Angeles Lakers laban sa Portland Trail Blazers, 139-106.     Nagbuhos si LeBron ng season-high na 43 points at 14 rebounds para sa kanilang ika-18 panalo.     Batay […]

  • COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’

    Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.     Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang […]