• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

 

 

Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas ang food security ng bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Go, nagsasagawa na ngayon ng review ang OP sa panukalang EO bago ito pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ayon kay Sen. Go, palagi niya itong pina-follow-up sa Executive Department at inaasahan nitong pipirmahan ni Pangulong Duterte.

 

 

Tiniyak din ng senador na mababalanse sa EO ang interes ng mga consumers at traders.

 

 

“Parati ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng Pangulo,”ani Sen. Go. “‘Yun nga po ang pinag-aaralan ngayon ng Executive (Department). Binabalanse naman po nila ang lahat… consumers, ordinaryong mamamayan and, of course, ‘yung traders din po na alam naman nating talagang apektado rin po ang kanilang pagnenegosyo.”

Other News
  • Ads October 26, 2023

  • PBBM, personal na nakiramay sa pamilyang naulila ni dating Pangulong FVR

    PERSONAL na nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.  sa pamilyang naulila ni dating Pangulong Fidel V. Ramos nang bisitahin ng una ang mga labi ng huli sa burol sa Heritage Park sa Taguig City.     Dumating si Pangulong Marcos  sa lamay  ng pasado alas- 10:20 ng umaga, araw ng Huwebes, Agosto 4, […]

  • Djokovic at asawa nito, nagnegatibo na sa coronavirus

    Nagnegatibo na sa coronavirus si tennis star Novak Djokovic at asawa nitong si Jelena.   Walang nakitang sintomas ang dalawa mula ng sila ay nag-quarantine ng 10-araw.   Nakuha nito ang nasabing virus sa Adria tennis tour ang inorganisa ni Djokovic sa Belgrade at Zadar, Croatia.   Naging pang-apat na tennis player si Djokovic na […]