• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EO para sa pork, chicken price ceiling ilalabas ng OP, ‘soon’ – Sen. Go

Kinumpirma ni Sen. Bong Go na nakatakdang ilalabas ng Office of the President (OP) ang isang Executive Order (EO) na magpapatupad ng price ceiling sa karne ng baboy at manok.

 

 

Una ng inirekomenda ito ng Department of Agriculture (DA) para matugunan ang patuloy na pagtaas sa presyo ng mga food products at mapalakas ang food security ng bansa.

 

 

Sinabi ni Sen. Go, nagsasagawa na ngayon ng review ang OP sa panukalang EO bago ito pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Ayon kay Sen. Go, palagi niya itong pina-follow-up sa Executive Department at inaasahan nitong pipirmahan ni Pangulong Duterte.

 

 

Tiniyak din ng senador na mababalanse sa EO ang interes ng mga consumers at traders.

 

 

“Parati ko itong pina-follow up din po sa ating Executive Department at inaasahan natin itong mapirmahan po ng Pangulo,”ani Sen. Go. “‘Yun nga po ang pinag-aaralan ngayon ng Executive (Department). Binabalanse naman po nila ang lahat… consumers, ordinaryong mamamayan and, of course, ‘yung traders din po na alam naman nating talagang apektado rin po ang kanilang pagnenegosyo.”

Other News
  • Iloilo City gov’t nagpaliwanag sa maling brand ng bakuna ang naiturok sa vaccinee

    Nagpaliwanag ang Iloilo City government kasunod ng reklamo ng isang vaccinee na binakunahan ng first dose ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine na Sinovac ngunit para sa kanyang second dose, Moderna na ang naiturok sa kanya.     Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na base sa naging […]

  • QUEZON CITY AT MWSS LUMAGDA SA 3 MOA

    LUMAGDA sa tatlong Memorandum of Agreement o MOA ang pamahalaang lungsod ng Quezon City sa katauhan ni Mayor Joy Belmonte at Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na kinatwan naman ni Administrator Leonor Cleofas kahapon sa punong tanggapan ng MWSS sa Katipunan, Quezon City. Kabilang sa mga napagkasunduan ng QC at MWSS ang pag […]

  • Dating asawa na si Carla, in-unfollow na rin: TOM, balik-socmed na at nag-post ng nakaiintrigang photo

    BINASAG na ni Tom Rodriguez ang pananahimik niya sa social media, nang mag-post siya ng isang nakaiintrigang photo sa kabila ng annulment rumors na ipa-file ng wife niyang si Carla Abellana.     At balitang nagpapatayo na ito ng bagong bahay habang naghihintay pa siya ng buyer ng kanyang posh condominium unit sa Pasig City. […]