• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EO sa regulasyon ng presyo ng mga gamot vs nakamamatay na sakit, pirmado na ni Duterte

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) No. 155 na nagtatatag ng regulasyon sa presyo ng mga gamot sa bansa.

 

 

Sinabi ni acting Presidential spokesman at Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, layunin ng nasabing EO na tugunan ang mga pangunahing sanhi ng kamatayan sa bansa dulot ng mga sakit.

 

 

Ayon pa kay Sec. Nograles, bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan sa mabilis na pag-access ng mura pero dekalidad at maaasahang gamot sa merkado.

 

 

Kabilang sa mga gamot na mapapasama sa price regulation ang 34 na drug molecules at 71 drug formulas.

 

 

Ang mga ito ang siyang ginagamit o panlunas sa bone metabolism, analgesics, anesthetics, anti-angina, antiarrhythmics, anti-asthma & chronic obstructive pulmonary disease medicines, antibiotics, anticoagulants, anticonvulsants, antidiabetic drugs, antidiuretics, and antiemetics gayundin ang anti-glaucoma, anti-hypercholesterolemia medicines, antihypertensive medicines, anti-neoplastic/anti-cancer medicines, antiparkinsons drugs, drugs for overactive bladders, growth hormone inhibitors, immunosuppressant drugs, iron chelating agents, and psoriasis, seborrhea at ichthyosis medicines. (Daris Jose)

Other News
  • Ads March 6, 2021

  • Utang ng Pilipinas P11.97 trilyon na nitong Oktubre, pinakamalaki uli sa kasaysayan

    Muli na namang pumalo ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas noong sa nakaraang dalawang buwan habang patuloy na tumutulak ang coronadisease pandemic (COVID-19).     Papalo na ito sa P11.97 trilyon sa pagtatapos ng Oktubre 2021, balita ng Bureau of Treasury (BTr) sa isang pahayag ngayong ika-1 ng Disyembre.     Ito na ang pinakamalaki sa […]

  • PNP naglatag na ng security measures vs magtatangkang manabotahe sa araw ng eleksyon

    NAGLATAG na ng security measures ang Philippine National Police (PNP) laban sa anumang pagtatangkang pananabotahe sa darating na halalan sa Mayo 9.     Sa isang statement tiniyak ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na hindi magtatagumpay ang anumang masamang plano sa mismong araw ng eleksyon dahil nagsasagawa na aniya sila ng contingency measures upang […]