• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Epal, bawal sa community pantry-Año

HINDI papayagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga ‘epal’ na politiko o indibiduwal na gustong pumapel sa community pantry.

 

Sa Talk To The People ni Pangulog Rodrigo Roa Duterte, Miyerkules ng gabi ay sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na kailangang magpatupad ang mga organizers ng cmmunity pantry ng “Anti-Epal policy,” kung saan ang government officials at iba pang indibidwal ay pinagbabawalan na gamitin ang nasabing social activity para sa personal, political o propagandang layunin.

 

“Hindi po natin papayagan na magkakaroon ng epal o . . . Maglalagay ng anumang signage, billboards, posters bearing pictures, pangalan, o images ng mga tao na nagsasagawa ng community pantry, lalo na po ang mga politicians na gusto pumapel dito sa community pantry,” diing pahayag ni Año.

 

Kasabay nito ay inanunsyo naman ng DILG ang ‘guidelines’ na susundin ng civilian community pantries na tila kabute na nagsulputan na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

 

Ayon sa Kalihim, ang standards sa community pantries ay naglalayong tiyakin na masusunod ang health at safety protocols, at mapayapa at maayos sa gitna ng COVID-19 pandemic.

 

“Itong community pantry ay isa sa pwede maging dahilan . . . Na pwedeng dito magsimula ang surge or spike kapag ‘di nasunod ang minimum health standards. Kaya kailangan ay mayroong standards na sinusunod . . . Both ang organizer at ang beneficiaries, at ang mga nagpapatupad ng ating mga batas,” aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, tiniyak ni Año na hindi kailangan ng organizers ang permit mula sa local government units para magtayo ng community pantries.

 

“Ito’y magiging parang additional burden kung sino man ‘yung magsasagawa ng community pantry,” anito.

 

Nauna nang sinabi ni DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diño, na kailangan na LGU approval ang community pantries na sa kalaunan ay binawi naman nito.

 

Ang paalala naman ni Año sa mga organizers ng community pantry ay magsuot ng face masks at face shields, i-observe ang physical distancing at iba pang pangunahing health protocols

 

Huwag magbigay ng illegal items, alak at sigarilyo; huwag pagbayarin ang mga beneficiaries; kailangan na ‘closely coordinate’ ang mg organizers at LGUs; at ang karapatan ng lahat ng magpapartisipa ay marapat lamang na respetuhin at protektahan.

 

Samantala, nagpalabas naman ng guidelines ang DILG sa mga community pantries matapos ang insidente sa Quezon City kung saan namatay ang isang senior citizen na pumila sa community pantry na inorganisa ng aktres na si Angel Locsin dahil dinagsa ang nasabing pantry ng mga tao. (Daris Jose)

Other News
  • Turismo sa Tagaytay malakas pa rin sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal Volcano

    NANANATILI RAW malakas ang turismo sa Tagaytay sa kabila nang pag-aalboroto ng Taal Volcano.     Sinabi ni Tagaytay City Public Information Officer Angie Batongbacal na hindi naman daw nabawasan ang mga turistang namamasyal sa Tagaytay sa kabila ng nagaganap na aktibidad ng bulkan.     Aniya, pareho lamang daw na malakas ang turismo bago […]

  • 24-HOUR CURFEW SA MINORS, IPINATUPAD MULI SA NAVOTAS

    DAHIL sa pagtaas ng kaso ng coronavirus disease, inihayag ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na ipatutupad muli ang 24 na oras na curfew para sa mga menor de edad.     Ayon kay Mayor Toby Tiangco, noong July 17, iniulat ng COVIDKAYA na ang Navotas ay nakapagtala ng 105.06% 2-week growth rate ng COVID cases, […]

  • Ads November 13, 2024