• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Epektibo agad’: DepEd inaprubahan boluntaryong face masks sa loob ng school

MAAARI nang hindi magsuot ng face masks ang mga estudyante sa loob ng kani-kanilang mga silid-aralan laban sa COVID-19, ito kasunod ng ipinatupad ng Executive Order 7 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Ito ang kinumpirma ni Department of Education spokesperson Michael Poe, Martes, matapos tanungin ng media.

 

 

“We will follow [Executive Order No.] 7 and issue an amendatory [department order],” ani Poa kanina.

 

 

“Schools may immediately implement optional masking indoors.”

 

 

Una nang sinabi ng Kagawaran ng Kalusugan na posibleng umabot sa 18,000 araw-araw ang bagong kaso ng COVID-19 bago magtapos ang taon kaugnay ng pagluluwag ng face mask requirements.

 

 

Sa huling taya ng DOH, aabot na sa lagpas 4 milyon ang nahahawa ng COVID-19 simula nang makapasok ito ng bansa noong 2020. Sa bilang na ‘yan, patay na ang 64,074 katao. (Daris Jose)

Other News
  • Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas, nanawagan para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings

    KASABAY ng selebrasyon ng International Human Rights Day, muling nanawagan si Gabriela Women’s Party Rep. Arlene Brosas para sa hustisya at pananagutan sa mga biktima ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ng nagdaang administrasyon.     Hinikayat din nito ang administrasyong Marcos na itigil ang pagtanggi sa imbestigasyon ng International Criminal Court […]

  • PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

    BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.”  Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon. Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders. Para sa Pangulo, mga manloloko […]

  • Miss India HARNAAZ KAUR SANDHU, kinoronahang Miss Universe 2021; BEATRICE, nakapsok sa Top 5

    NAGING matagumpay ang 70th edition ng prestigious international pageant na Miss Universe na ginanap sa Eilat, Israel, madaling araw ng December 12, 2021 (umaga ng December 13 sa Pilipinas).     Si Harnaaz Kaur Sandhu ng India ang kinoronahang Miss Universe 2021. Siya ang ikatlong nakapag-uwi ng titulo mula sa India.     Pinaka-una si […]