• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EPY, tinanggihan ang P30 million para gamitin sa pangangampanya ang kanyang advocacy song na ‘Lukso ng Dugo’

BALIK sa kanyang short hair ang Kapuso actor na si Mike Tan para sa teleserye na Love. Die. Repeat with Jennylyn Mercado and Xian Lim.

 

 

Bago raw siya nag-quarantine para sa naturang teleserye, pinagupit na niya ang long hair niya na pinahaba niya for one year simula nung magkaroon ng pandemya.

 

Ayon sa aktor, na-miss niya ang long hair niya at napapanood na lang daw niya ang dati niyang buhok sa teleserye na Nagbabagang Luha.

 


      Kailangan daw ng bagong look kay Mike kaya kailangan niyang magpagupit na. Mas maginhawa raw ang pakiramdam ni Mike noong magupitan na siya at hindi na niya ito kailangan i-ponytail kapag naiinitan siya.

 

Para sa Love. Die. Repeat, balik din sa kanyang workout si Mike na ilang buwan din niyang hindi masyadong nagawa dahil sa pag-alaga ng dalawa niyang anak. Kaya nung mag-lock-in taping siya, kapag free day nila ay tinotodo niya ang pagbalik-alindog workout.

 

‘Yun nga lang, sobrang nami-miss ni Mike ang dalawang anak na babae tuwing nasa lock-in taping siya.

 

Pero balitang stop muna ang taping ng Love. Die. Repeat dahil nasa “interesting stage” ngayon si Jennylyn, kaya happy si Mike na makakasama niya ulit ang mga anak habang wala pa siyang sisimulan na bagong teleserye.

 

***

 

 

TINANGGIHAN pala ng aktor na si Epy Quizon ang alok sa kanya na P30 million para gamitin sa pangangampanya ang kanyang advocacy song na ‘Lukso Ng Dugo’.

 

Inamin ni Epy na noong una ay nasilaw siya sa laki ng alok sa kanyang advocacy song, pero naisip niya na walang anumang halaga ang awitin na kanyang inilikha na bahagi ng kanyang Magkaisa PH advocacy for peace.

 

      “I was offered P30 million. I will not name who, but I was offered P30 million. And I could have paid everyone, the artists and all that. But no, I refused.

 


      “Wala akong pera noon sa bangko… wala akong trabaho noong time na ‘yun, in-offer-an ako ng P30 million. Sabi ko, ‘Tapos lahat ng problema natin nito ah. Napaisip ako, medyo nabulag ako ng mga two minutes.

 

“I refused the P30 milllion. There’s no amount anymore that can… Sinabi ko, ang sagot ko, ‘I can make you another one, but not this song. This song is not owned by me anymore. This song is owned by all the artists who are part of it. All these people who are with me right now, own it already.

 


      “Kumbaga I’m just a representative for everyone who is part of the movement now,” paliwanag ni Epy.
May nag-alok din na tumakbo si Epy para sa isang posisyon in government sa 2022. Pero tinanggihan din ito ng aktor dahil naisip niya ang kanyang yumaong amang si Dolphy na ilang beses na hinikayat pasukin ang politics, pero never itong kumandidato.

 

      “Ang daling maging hari, sabi nga ng tatay Dolphy ko. He used to be a king. But I was born and bred to be a jester. So why will I run for the kingship?

 


      “Palagi niyang sinasabi nga na, ‘Ang daling manalo, pero paano kung manalo ako, anong gagawin ko diyan?’ Same here. I’m a storyteller, I’m not a politician,” diin pa ni Epy.

 

***

 

SIKRETONG nagpakasal ang bida ng The Good Doctor na si Freddie Highmore.

 


      Kinumpirma ito ng 29-year old former child actor noong mag-guest ito sa Jimmy Kimmel Live! para i-promote ang bagong season ng The Good Doctor. Mabilis na napansin ni Kimmel ang wedding band sa daliri ng aktor.

 

Sey ni Highmore: “Yes, it is a wedding ring. Yes, I got married! It’s funny ever since I’ve been wearing this ring, people have been asking me if I’m married, so I figured I should clarify it.

 


      “But I’m not gonna jump up and down on the couch on the talk show and express my excitement that way. I know that you do that in America. But I’m as happy as a Brit can be and I’m married to a very wonderful woman now. So yes, I feel very happy.”

 


      Hindi pinangalanan ni Highmore ang kanyang British wife. Inamin niya na hindi pa niya nakasanayan na tawaging “wife” ang babaeng pinakasalan niya.

 

      “I just still can’t get over the terminology and the vocab — like, a ‘married man’ just sounds very old and ‘my wife’ sounds very possessive. We don’t really use that yet, but we just point to the rings and be like, ‘Here, look, make or draw your own conclusions.'”

 

Nakilala si Highmore bilang child actor sa mga pelikulang Finding Neverland, Charlie and the Chocolate Factory at Spiderwick Chronicles. Nagbida rin siya sa drama thriller series na Bates Motel.

 (RUEL MENDOZA)

Other News
  • James Bond 26 Will Be A Reinvention After Daniel Craig’s Exit

    LONGTIME James Bond producer, Barbara Broccoli, explains that the iconic 007 spy will be reinvented following Daniel Craig’s exit in No Time to Die.     Originally created in 1953 by author Ian Fleming, James Bond charmed audiences around the world in his first feature film Dr. No in 1962, starring Sean Connery as the captivating 007. The franchise eventually […]

  • Medvedev naungusan si Federer sa ATP ranking

    NAUNGUSAN na ni Daniil Medvedev si tennis star Roger Federer sa world ranking ng inilabas ng Association of Tennis Professionals (ATP).   Sa pinakahuling ranking ay nasa pang-apat na puwesto na ngayon ang Russian tennis star habang nasa pang-limang puwesto ang Swiss tennis star na si Federer.   Isang naging susi para umangat ang puwesto […]

  • Singil ng kuryente para sa buwan ng Hulyo, ibinababa ng Meralco

    NAG-ANUNSYO ang Meralco ng pababang pagsasaayos sa mga singil sa kuryente para sa Hulyo, kasunod ng mga sunod-sunod na buwan ng pagtaas, habang bumababa ang mga singil sa generation at transmission period.     Sa isang advisory, sinabi ng Meralco na ibababa nito ang rates ng P0.72 kada kilowatt-hour (/kWh), na magdadala sa kabuuang rate […]