• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ERC, pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng WESM para pagilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente

PANSAMANTALANG sinuspinde ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang operasyon ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) sa ilalim ng deklarasyon na red alert ng systems operator na National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
“Dahil sa matinding init, tumataas ang konsumo ng kuryente na nakakadagdag sa pag-akyat ng presyo,” ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa pagdiriwang ng ika-122 Araw ng Paggawa sa Palasyo ng Malakanyang.
“Kahapon lamang ay kumilos na ang Energy Regulatory Commission o ERC upang pansamantalang isuspende ang operasyon ng tinatawag na Wholesale Electricity Spot Market o WESM kapag may idineklarang Red Alert ang System Operator o NGCP. Ito ay naglalayon na pigilan ang pagtaas ng presyo ng kuryente sa gitna ng kalamidad na dulot ng El Niño,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ang WESM, nilikha sa bisa ng Seksyon 30 ng Republic Act No. 9136, o mas kilala bilang Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) of 2001, ay isang venue para sa trading electricity bilang commodity.
Dito ipinagbibili ng power generators ang kanilang “excess capacities” na hindi saklaw ng kontrata at kung saan makabibili ang mga customers ng karagdagang capacities’ maliban sa kanilang kontrata.
Nauna rito, tiniyak ng Malakanyang sa sa publiko ang mga plano at estratehiya ng gobyerno para mapababa ang presyo ng kuryente sa gitna ng kasalukuyang mataas na demand sa elektrisidad.
Sinabi ni Pangulong Marcos sa isang panayam ng media sa Pikit, Cotabato nitong Lunes na walang artipisyal na krisis sa sektor ng kuryente.
Ang mayroon ang bansa, ayon sa kaniya, ay isang power system overload dahil sa dry spell.
Kaugnay rito, patuloy aniya na sinusubaybayan ng gobyerno ang sitwasyon dahil sa pagtaas ng demand sabay tiniyak na gagawa ang pamahalaan ng mga hakbang upang makontrol ang presyo ng kuryente.
Una nang hinimok ng pamahalaan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na magtayo ng transmission lines na inaasahang magpapalakas ng kinakailangang kuryente lalo na sa mga lugar na hindi konektado sa grid. (Daris Jose)
Other News
  • OFW remittances, tumaas ng 3% – Bangko Sentral ng Pilipinas

    TUMAAS ng 3 porsyento ang mga personal remittances mula sa mga Overseas Filipino Worker hanggang $2.9 billion para sa buwan ng Marso mula sa $2.8 bilyon sa parehong buwan noong 2022.     Naobserbahan ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang pagtaas ng mga inbound money transfer mula sa parehong land-based at sea-based OFWs.     […]

  • PRINCE HARRY, dadalo sa ‘royal ceremonial funeral’ ng kanyang lolo na si PRINCE PHILIP; MEGHAN, pinagbawalang bumiyahe

    DADALO sa funeral ng kanyang lolong si Prince Philip ang Duke of Sussex na si Prince Harry, pero hindi makakasama ang misis na si Meghan Markle dahil sa buntis ito ngayon.     Inabisuhan si Meghan ng doktor na hindi ito puwedeng bumiyahe.     Sa April 17 nakatakda ang “royal ceremonial funeral” at Windsor […]

  • Nag-alala na baka nasaktan sa eksena nila: MIKE, na-shock nang malamang buntis pala si JENNYLYN

    FIRST time palang makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye.     Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (‘Lovestruck’ in 2005), never pa raw silang nagsama sa teleserye.     Kaya happy ang StarStruck season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle […]