Espiritu aminadong umaalingasaw trade
- Published on January 9, 2021
- by @peoplesbalita
INAMIN ng tatlong agent-manager ng mga player na bukas lahat ang 12 team sa mga palitan ng mga manlalaro bilang pagpapalakas para sa 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa darating na Abril 9.
Nagkakaisa sa pahayag sina veteran agent-manager Danny Espiritu, Charlie Dy, at Ed Fonceja ,na anila’y lahat ng mga koponan ay naghahanap ng mga kailangang talent at kalidad sa puwesto para punan ang mga pangangailangan.
“Yes, may mga nagpapahanap na sa amin sa kulang nilang player sa team. Sa ngayon, kung wala talagang makuha doon sa mga nasa free agent, saka kami maghahanap sa mga hindi nagagamit sa ibang teams kung pupuwede naming na mai-negotiate sa isang trade,” bulalas ni Espiritu, ang pinakamaraming hawak na basketbolista at nasa 33 taon na sa larangan.
Kaya lang idinagdag niyang inaasahan pa ang pagsusulputan ng swap ng cagers bago o matapos ang 36th PBA Rookie Draft sa Marso 24, na ang deadline ng aplikasyon para rito ay Enero 27.
Inalis na ng PBA ang trade suspension na sinimulan sa nagdaangtaon hanggang January 4 ng taong ito dahil sa Coronavirus Disease 2019.
Ang huling naganap na palitan ay kinatampukan sa pagbagsak ni John Paul Erram sa Talk ‘N Text buhat sa North Luzon Expressway sangkot ang Blackwater. (REC)
-
MASTERING THE ART OF DENIAL
An Outburst of “Bright kids” are all over Philippines President Rodrigo Roa Duterte (PRRD) Appointed Government Officials. Most are great and sadly morons were’nt left behind in (PRRD) administration. Whether you were born in : Silent Generation (1928-1945) Baby Boomers (1946-1964) Generation X (1965-1980) Millennials (1981-1996) Generation Z (1997-2012) You’re […]
-
Covid-19 booster shots, ipinamahagi sa iba pang ahensiya
Muling nagsagawa ang kamara sa pangunguna ng liderato ni Speaker Lord Allan Velasco ng isa pang COVID-19 vaccine booster shots nitong Martes sa mga empleyado at dependents nito, maging sa mga kawani ng iba pang government agencies. Sinabi ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza na nakipag-ugnayan sila sa ibang ahensiya ng gobyerno […]
-
Self-doubt, nawala dahil sa tulong nina Direk Irene: JULIA, super proud and blessed na maka-trabaho si ALDEN
HINDI nga napigilan nina Alden Richards at Julia Montes na maging emotional nang matanong sa kanilang first team-up sa pinag-uusapang movie na ‘Five Breakups and a Romance’. Mapapanood na ito sa October 18 mga sinehan nationwide at produced ng Cornerstone Studio, GMA Pictures at Myriad Entertainment. Sa ginanap na Red Carpet […]