Esport team ng bansa nakakuha na ng 1 gold medal sa SEA Games
- Published on May 20, 2022
- by @peoplesbalita
NAKAKUHA na ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pambato ng bansa sa Esports.
Ito ay sa pamamagitan ng Sibol Wild Rift Women’s Team.
Na-sweep nila ang competition sa near perfect tournament.
Unang sweep nila ay ang group stage na nagtapos sa 4-0 card na sinundan ng 3-1 panalo sa semifinals laban sa Thailand.
Pagdating sa finals ay hindi nila pinaporma ang Singapore 3-0.
Ang Sibol Wild Rift Women’s Team ay binubuo nina: Christine “RAY RAY” Natividad, Rose Ann “HELL GIRL” Robles, Charize “YUGEN” Doble, Giana “JEEYA” Llanes, April “AEAE” Sotto, at Angel “ANGELAILAILA” LOZADA.
-
Incoming DSWD chief Tulfo, gustong itaas sa P1,500 ang monthly pension ng indigent seniors
SINABI ni incoming Department of Social Welfare and Development (DSWD) chief Erwin Tulfo na ipapanukala niya na itaas ang social pension ng mga indigent senior citizens sa P1,500 mula sa P500 sa oras na maupo na siya sa puwesto sa ilalim ng incoming Marcos administration. Sa Kapihan sa Manila Bay forum, binigyang diin […]
-
ECQ ngayon, walang mass gatherings- Sec. Roque
NIRESBAKAN ng Malakanyang ang mga kritikong naghahanap kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte at nagtatanong kung bakit wala itong public event ngayong Araw ng Kagitingan. Giit ni Presidential Spokesperson Harry Roque, nasa ilalim ang NCR sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) kung saan ay hindi hinihikayat ang mass gatherings. “The President’s critics are asking why […]
-
Mahigit 200 kaso ng monke mundo – EU disease agency
UMAABOT na sa kabuuang 219 ang kumpirmadong kaso ng monkeypox virus sa buong mundo ayon sa inilabas na update report mula sa European Union disease agency. Mahigit sa isang dosenang mga bansa na nakapagtala ng monkeypox ay sa Europa na walang direktang epidemiological links sa West o Central Africa kung saan ang disease […]