• April 2, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Esteban maghahandog ng tablet sa mga estudyante

KUMAKATOK sa may mabubuting puso si national fencer Maxine Isabel Esteban na tulungan siyang makailak ng pondo para sa mga batang mag-aaral ngayong may Covid-19 pandemic pa rin

 

Isinalaysay ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s fencing bronze medalist ang kanyang sinimulang fundraising  sa kanyang kaarawan nitong Huwebes para makapagkaloob ng Android tablets sa online learning ng mga estudyante.

 

“Join me as I celebrate my 20th birthday! In lieu of gifts, may I ask for your donation to our fundraiser ‘A small thing goes a long way’ Phase 3,” litanya ng 2018-19 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Women’s Fencing Rookie of the Year at Most Valuable Player sa kanyang Instagram post.

 

Hinirit pa pa ng Ateneo Queen Eagle, “Help a Filipino child continue his education through online learning. Any amount of donation will do. Donations will be used to purchase 10.1 HD Display Android tablets.”

 

Kamakailan lang, inasistehan din ng dalagang eskrimador ang mga medical frontliner at ilang komunidad sa bansa habang may pandemya. (REC)

 

Other News
  • IATF, hinihintay ang desisyon ni PDu30 sa paggamit ng face shield – Roque

    HANGGANG sa kasalukuyan ay hindi pa rin inaaprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for COVID-19 response ukol sa face shield requirement.   “Meron na pong desisyon,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “Pero ito po ay for approval and possibly for announcement by the President himself,” dagdag […]

  • NCR Plus bubble, posibleng isailalim sa GCQ- Sec. Roque

    MAAARING ilipat sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila at apat na kalapit- lalawigan na mas kilala bilang “NCR Plus bubble” matapos ang Mayo 14, 2021.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa “formula,” gaya ng health care utilization rate, daily attack rate, at reproduction number, posible na isailalim sa GCQ ang […]

  • April 30 ang huling deadline ng consolidation

    DINIIN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huling extension na ang deadline sa darating na April 30 tungkol sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.       “I think this will be the last and final extension. This is the eight time that we are […]