• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Esteban maghahandog ng tablet sa mga estudyante

KUMAKATOK sa may mabubuting puso si national fencer Maxine Isabel Esteban na tulungan siyang makailak ng pondo para sa mga batang mag-aaral ngayong may Covid-19 pandemic pa rin

 

Isinalaysay ng 30th Southeast Asian Games Philippines 2019 women’s fencing bronze medalist ang kanyang sinimulang fundraising  sa kanyang kaarawan nitong Huwebes para makapagkaloob ng Android tablets sa online learning ng mga estudyante.

 

“Join me as I celebrate my 20th birthday! In lieu of gifts, may I ask for your donation to our fundraiser ‘A small thing goes a long way’ Phase 3,” litanya ng 2018-19 University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 81 Women’s Fencing Rookie of the Year at Most Valuable Player sa kanyang Instagram post.

 

Hinirit pa pa ng Ateneo Queen Eagle, “Help a Filipino child continue his education through online learning. Any amount of donation will do. Donations will be used to purchase 10.1 HD Display Android tablets.”

 

Kamakailan lang, inasistehan din ng dalagang eskrimador ang mga medical frontliner at ilang komunidad sa bansa habang may pandemya. (REC)

 

Other News
  • NCR, mananatili pa rin sa Alert Level 1 mula bukas, Hunyo 16 hanggang 30, 2022

    MANANATILI pa rin sa Alert Level 1 ang National Capital Region na kinabibilangan ng  Caloocan City, City of Malabon, City of Navotas, City of Valenzuela, Pateros, City of Pasig, City of Marikina, Taguig City, Quezon City, City of Manila, City of Makati, City of Mandaluyong, City of San Juan, City of Muntinlupa, City of Parañaque, […]

  • GCash nagbabala laban sa gambling apps na ginagamit sa phishing

    ILANG gambling sites at apps na ginamit para sa account takeovers sa pagdami ng phishing scams kamakailan ang natuklasan sa isinagawang imbestigasyon ng National Privacy Commission (NPC) at ng nangungunang mobile wallet GCash.     Dagdag pa, ilang influencers ang maaaring hindi sinasadyang isinulong ang mga gaming apps na ito na hindi batid ang fraudulent […]

  • Ads June 15, 2024