• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas

MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.

 

 

Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na nagbebenta umano ng ilegal n droga sina John Marcos Valentin alyas “Labo”, 18, Student, Allen Santos, 34, at Rodolfo Delabajan Jr alays JR, 18, pawang residente ng Navotas City.

 

 

Dahil dito, ikinasa ng mga operatiba ng SDEU, kasama ang Sub-Station 2 ang buy bust operation dakong alas-9:50 ng gabi sa Dr. Lascano St., Brgy. Tugatog na nagresulta sa pagkakaresto sa mga suspek.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang umaabot sa 60 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P408,000 at P1,000 marked money.

 

 

Sa Navotas, nadakma naman ng mga operatiba ng Navotas Police SDEU sa ilalim ng pamumuno ni P/Col. Dexter Ollaging sa buy bust operation sa Badeo 5, Brgy. San Roque alas-12:30 ng madaling araw si Julius Dela Cruz alyas”Jay”, 45 at Rosauro Llanes alyas “Rotrot”, 47, matapos bintahan ng P300 halaga ng shabu ang isang pulis na umakto bilang poseur-buyer.

 

 

Nasamsam sa kanila ang nasa 5.9 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P40,120 at buy bust money.

 

 

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • ‘Tulak’ kulong sa P34K droga sa Navotas

    ISANG lalaki na hinihinalang sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog matapos kumagat sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Navotas City.       Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes na ikinasa ng mga operatiba ng Station […]

  • Executive branch, may malaking papel sa pagkaka-aresto sa magkapatid na Dargani

    SINABI ng Malakanyang na kailangan ding bigyan ng kredito ang Executive department sa pagkaka-aresto sa Pharmally executives na sina Mohit at Twinkle Dargani ng Senate security personnel sa Davao City.   Kasalukuyan na ngayong nasa kustodiya ng Senate Sergeant-at-Arms ang Pharmally executives ang magkapatid na Dargani.   Ang dalawa ay naaresto matapos na magtago sa […]

  • Eala pasok sa 2nd round ng W15 Manacor Leg 2

    Kahit mayroong anim na International Tennis Federation (ITF) women’s singles title ang kanyang kalaban ay hindi nasindak si Alex Eala.     Pinatalsik ng Pinay tennis sensation si No. 2 seed Mirjam Bjorklund ng Sweden, 6-4, 3-6, 6-3, sa se-cond leg ng W15 Manacor ITF Rafael Nadal Academy World Tennis Tour sa Mallorca, Spain.   […]