ESTUDYANTE MALUBHA SA BALA
- Published on July 14, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG 17-anyos na estudyante ang nasa malubhang kalagayan matapos barilin ng tatlong teenager sa naganap na riot ng dalawang magkalabang gangs sa Malabon city.
Isinugod ng kanyang ina sa Tondo Medical Center subalit, kalaunan ay inilipat sa Philippine Orthopedic Center kung saan patuloy na ginagamot ang biktima na itinago sa pangalang “Roger” ng Navotas city.
Ipinag-utos naman ni Malabon police chief P/Col. Albert Barot kay Sub-Station 5 commander P/Lt. Zoilo Arquillo ang manhunt operation kontra sa mga suspek na sina Albert Lozano, Ayan Calidro, kapwa ng Blk 13 Hiwas St. Dagat-dagatan, Brgy. Longos at Deniel Soria ng Sawata St. Caloocan city.
Ayon kay Malabon police homicide investigator P/SSgt. Diego Ngippol, naganap ang insidente sa kahabaan ng Hiwas St. Brgy. Longos, matapos ang magkalabang gangs na Original Batang Tondo (OBT) at Stoke Fam (SF) ay magsagupa dakong alas-4 ng madaling araw.
Sa pahayag sa pulisya ng mga nakasaksi, magkakasunod na nagpaputok ng kanilang pen gun ang tatlong suspek na miyembro ng SF gang patungo sa biktima na isang miyembro ng OTB.
Nang mapansin ng dalawang grupo ang presensya ng romespondeng mga pulis at barangay officials ay mabilis nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon habang naiwan ang duguang biktima. (Richard Mesa)
-
PAGBILI NG COVID-19 VACCINE, DAPAT GOV’T-TO-GOV’T TRANSACTION – DUTERTE
MAS gusto ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang government-to-government transaction sa pagbili ng vaccine laban sa COVID-19 mula sa China. Ang katwiran ng Pangulo, mas bukas kasi ang korapsyon kapag nakipag-deal sa private entities. “Ayaw ko ‘yung bibili tayo sa private Chinese businessmen. Diyan magkakalokohan,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang taped address, […]
-
Tiwala si Joey para mag-host ng ‘Wow Mali: Doble Tama'” JOSE at WALLY, para nang mag-asawa sa tagal ng pagsasama
NGAYONG ika-26 ng Agosto 2023, pagkalipas ng walong taon ay nagbabalik na ang bagong bihis na “Wow Mali: Doble Tama” dahil ipinasa na ito Joey de Leon kina Jose Manalo at Wally Bayola. Pandemic palang ay tinanong na ng APT Entertainment ang comic duo at um-oo naman sila sa offer. “Kaya […]
-
Japanese tennis star Naomi Osaka bigo sa 1st round ng Cincinnati Open
NABIGO sa first round ng Cincinnati Open si Japanese tennis star Naomi Osaka. Tinalo siya ni Zhang Shuai ng China sa score na 6-4, 7-5. Ito ang pangatlong torneo ni Osaka mula ng magtamo ng Achilles injury. Noong nakaraang linggo kasi ay umatras na ito sa opening round ng […]