• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Estudyante sa public schools, ‘di required mag-uniporme sa pasukan

NILINAW  kahapon ni Vice President Sara Duterte, na siya ring kalihim ng Department of Education (DepEd), na hindi required ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan na magsuot ng uniporme sa nalalapit na pasukan.

 

 

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na hindi na dapat madagdag pa ang gastusin sa pagbili ng uniporme sa problema ng mga estudyante at kanilang mga pamilya, sa gitna nang tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, at kawalan ng pagkakakitaan ngayong panahon ng pandemya ng COVID-19.

 

 

Ayon kay Duterte, kahit noong wala pang pandemya ay hindi istriktong requirement ang pagsusuot ng uniporme sa public schools kaya’t mas lalong dapat na hindi ito gawing requirement sa panahon ngayon.

 

 

Magsisimula ang School Year 2022–2023 sa Agosto 22, 2022 hanggang sa Hulyo 7, 2023.

 

 

Ang limang araw naman na face-to-face classes ay kailangan nang ipatupad simula Nobyembre 2 sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa bansa.  (Daris Jose)

Other News
  • ‘Firefly’, tinanghal na Best Picture ng ‘MMFF 2023’: VILMA at CEDRIC, parehong ‘di inaasahang mananalong Best Actress at Best Actor

    ANG pelikulang “Firefly” ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang tinanghal na Best Picture kasama ang dalawa pang tropeo sa ‘Gabi ng Parangal ng ‘Metro Manila Film Festival 2023, na ginanap noong December 27 sa New Frontier Theater.   Wagi rin ang scriptwriter na si Angeli Atienza para sa Best Screenplay at ang bida […]

  • Angat Dam water level, lalo pang bumaba

    BUMABA pa lalo ang water level ng Angat Dam.     Ito ay sa likod ng ilang mga pag-ulan na naranasan sa bansa, dala ng ilang mga weather system.     Ayon sa State Weather Bureau, nasa 193,72 meters na lang ang water level ng nasabing dam.     Mas mababa ito ng 18 centimeters […]

  • Height requirement ng mga ahensyang pang-seguridad, aprubado na

    Inaprubahan ng House Committtee on Public Order and Safety ang ulat ng komite sa substitute bill na naglalayong babaan ang minimum height requirement.   Gayundin ang pag-alis sa pagpapaubaya sa sukat ng mga aplikante sa Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Bureau of Corrections […]