Eugene Torre eere sa Usapang Sports via Zoom
- Published on July 23, 2020
- by @peoplesbalita
Panauhing pandangal sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa muling pagsiklab bukas (Thursday) ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sport Forum via Zoom.
Sa kasalukuyan, si Torre ang nagsisilbing head coach ng 12-player Philippine team na sasabak sa unang FIDE Online Chess Olympiad na nakatakda sa July 22 hanggang Aug. 30.
Tatalakayin ng 68-year-old chess legend ang tsansa ng mga Pinoy sa prestihiyosong kompetisyon na inorganisa ng FIDE bilang paraan para labanan ang nakamamatay na coronavirus pandemic.
Samantala, iuulat naman ni Orbe ang tungkol sa World Chess Day celebrations at programa ng NCFP sa paglinang ng maraming bata at talentadong manlalaro.
Bukod sa dalawa, panauhin din sa 10 a.m. public service sports program na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si University of the East at Tanduay-sponsored Batangas Team sa MPBL coach Jean Alabanza.
Inaanyayahan ni TOPS President Ed Andaya ang mga opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na lumahok sa forum.
-
Ads July 8, 2021
-
Work-from-home scheme pag-aaralan
PAG-AARALAN ng Malakanyang kung dapat ng patulan ang panawagan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) magkaroon ng “flexible work arrangement” ang mga government employees dahil na rin sa COVID-19. “I think, pag-aralan natin. We will study it,” ayon kay Sec. Panelo. Sa naging pahayag ni TUCP president Raymond Mendoza ay sinabi […]
-
Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. pasok sa most searched male personalities ng Google Philippines
Nakasama sina Vico Sotto, Marcelito Pomoy, at Michael V. sa most searched male personalities ng Google Philippines para sa taong 2020. Bilang mayor ng Pasig City, pinahanga ni Vico ang maraming netizens sa kanyang “proactive handling of the coronavirus crisis – data-driven action, handing out relief goods regardless of one’s social standing, providing eco-friendly […]