• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eugene Torre eere sa Usapang Sports via Zoom

Panauhing pandangal sina Asia’s first grandmaster Eugene Torre at National Chess Federation of the Philippines (NCFP) executive director Atty. Cliburn Orbe sa muling pagsiklab bukas (Thursday) ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sport Forum via Zoom.

 

Sa kasalukuyan, si Torre ang nagsisilbing head coach ng 12-player Philippine team na sasabak sa unang FIDE Online Chess Olympiad na nakatakda sa July 22 hanggang Aug. 30.

 

Tatalakayin ng 68-year-old chess legend ang tsansa ng mga Pinoy sa prestihiyosong kompetisyon na inorganisa ng FIDE bilang paraan para labanan ang nakamamatay na coronavirus  pandemic.

 

Samantala, iuulat naman ni Orbe ang tungkol sa World Chess Day celebrations at programa ng NCFP sa paglinang ng maraming bata at talentadong manlalaro.

 

Bukod sa dalawa, panauhin din sa 10 a.m. public service sports  program na inisponsoran ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) si University of the East at Tanduay-sponsored Batangas Team sa MPBL coach Jean Alabanza.

 

Inaanyayahan ni TOPS President Ed Andaya ang mga opisyal, miyembro at kaibigan sa sports community na lumahok sa forum.

Other News
  • CHED, dumepensa sa umano’y ‘misuse’ ng P10-B fund

    IPINAGTANGGOL ng Commission on Higher Education (CHED) ang paggamit umano ng P10 billion halaga ng pondo, para sa mga scholarship ng mga mag-aaral sa tertiary, na inaangkin ni Northern Samar 1st district Representative Paul Daza na ginagamit sa maling paraan.     Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Commission on Higher Education o CHED chairman Prospero […]

  • Truck driver na nakapatay sa mag-ina, inaming nakagamit ng droga

    Patay ang isang vendor ng pakwan at ang sanggol niyang anak, habang 12 ang sugatan nang araruhin ng isang truck ang tatlong sasakyan at isang tindahan sa Quirino Highway sa Barangay Sto. Cristo, San Jose Del Monte, Bulacan, kamakalawa.   Ayon sa imbestigasyon ng San Jose Del Monte Police, nawalan umano ng kontrol sa manibela […]

  • Slaughter pinagsabihan ni Baldwin

    BAGO pa magsabi sa Samahang Basketbaol ng Pilipinas (SBP) upang muling makapaglaro sa Gilas Pilipinas, dapat munang tuldukan ang sabit sa Philippine Basketball Association (PBA) mother ballclub, Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings.   Iginiit ito Biyernes ni SBP Program Director Thomas Anthony (Tab) Baldwin kay BGSM free agent Gregory William (Greg) Slaughter na nagbalik […]