Ex-Davao City info officer ni Mayor Sara binigyan di umano ng VIP treatment sa drug raid, walang basehan- Roque
- Published on November 13, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG basehan ang ulat na binigyan ng VIP treatment sa drug raid sa beach party noong nakaraang linggo ang dating information officer ni Davao City Mayor Sara Duterte.
Nauna nang nakumpirma na si Jefry Tupas ay dumalo sa party noong nakaraang linggo subalit umalis ng party bago pa isinagawa ang raid kung saan ay nasamsam ang P1.5 milyong halaga ng party drugs, marijuana, at shabu.
Subalit may 17 nahuli ang nagsabi na si Tupas at ang kanyang mga kasama ay pinayagang makaalis habang isinasagawa ang raid.
Hindi rin kasama si Tupas sa search o arrest warrant na sadyang isisilbi talaga sa party ayon kay Palace spokesman Harry Roque batay na rin sa ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency.
“Hindi po talaga siya identified as a key personality dito sa ginawang raid,” ayon kay Sec. Roque.
Samantala, Pinasisilip ng Makabayan bloc ang naganap na drug raid sa Davao de Oro na kinasangkutan ng dating tauhan ni Mayor Sara.
Sa inihaing House Resolution 2342 ng Makabayan bloc, hinihimok ang House Committeee on Dangerous Drugs na magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation.”
Tinukoy sa resolusyon ang drug operation ng mga otoridad sa isang beach party sa Brgy. Pindasan, Mabini noong November 6.
17 ang naaresto rito at nasamsam ang nasa ₱1.5 million na halaga ng mga shabu at iba pang party drugs.
Nais imbestigahan ng Makabayan ang alegasyon ng umano’y “cover-up” sa sinasabing pagkakasangkot sa iligal na droga ni Jefry Tupas, dating tauhan ni Mayor Sara na tumatayong Davao City Information Officer.
Nakasaad pa sa resolusyon na base sa pahayag ng mga suspek na nahuli, sinasabi kasing pinayagan daw ng raiding team si Tupas at iba pang kasama na umalis o makatakas sa raid. (Daris Jose)
-
25K trabaho sa mga Pinoy sa Japan binuksan
NASA 25,000 job opportunities ang iniaalok para sa mga Pilipino na naghahanap ng trabaho sa Japan, ayon sa Department of Migrant Workers (DMW). Ang special job fair ay ay gaganapin sa Agosto 1, 2024 sa Robinsons Galleria Ortigas sa Quezon City alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon na inorganisa ng […]
-
Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’
MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano. Finally, magkaka-baby na sila! Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis […]
-
Nabiktima nang i-prank call sa paglipat sa GMA: PIOLO, sinabihan si BEA ng ‘Adik ka. Yun na yun?!’
TAGUMPAY ang prank calling ni Bea Alonzo sa kanyang kapatid na James at sa mga kaibigan, na kinabibilangan nina Kakai Bautista, Mark Nicdao, Piolo Pascual at Vice Ganda. Last April Fool’s Day, nasa bahay lang daw si Bea at walang magawa. At mag-check siya sa comment section ng YouTube channel may suggestion na […]