• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-DBM procurement head ‘susi’ sa overpriced face mask, face shield

Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin M. Drilon ang nagbitiw na si dating Budget Undersecretary Lloyd Christopher Lao na isiwalat ang mga nalalaman sa overpriced na face mask at face shield na binili ng Department of Health sa pamamagitan ng Procurement Service ng Department of Budget and Management.

 

 

Naniniwala si Drilon na si Lao ang “missing link” sa natuklasan ng Commission on Audit na overpriced na mga medical supplies kabilang ang face masks at face shields.

 

 

Ayon kay Drilon, dapat gawin ang lahat upang magkaroon ng linaw sa isyu kung saan naglagak ang Department of Health (DOH) ng P42 bilyon sa DBM procurement service subalit kinuwestyon ng COA dahil sa kawalan ng documentary requirement.

 

 

“He leaves behind him so many questionable transactions which we will dig into. We will not leave any stone unturned in uncovering what could be a possible overpricing in procurement service,” ani Drilon

 

 

Si Lao ang dating pinuno ng procurement service ng DBM na ayon kay Drilon ay nanahimik buhat nang magbitiw sa puwesto noong Hunyo 2021.

 

 

Kung totoo umanong nagkaroon ng overpricing ay dapat ipaliwanag ni Lao o posibleng sangkot siya rito.

 

 

May posiblidad aniya na umabot sa P1 bilyon ang overpricing sa pagbili ng face mask at face shields.

 

 

Ayon kay Drilon, bu­mili ang DBM-PS ng 113,904,000 piraso ng face mask mula sa iba’t ibang supplier sa mataas na presyo kung saan uma­bot pa ito sa P27.72 bawat isa.

 

 

Ang nasabing halaga ay mataas umano ng P2 hanggang P5 sa sugges­ted retail price (SRP) na inilabas ng DOH.

 

 

Nakasaad sa report  ng COA na nagkakaha­laga naman ng P120 kada pira­so ang biniling 1,317,711 face shield ga- yong sa SRP ng DOH ito ay dapat P26 hanggang P50 lamang. (Daris Jose)

Other News
  • Spence, ipapaubaya na kay Pacquiao kung kailan siya interesadong lumaban

    Ipapaubaya na lamang ni WBC at IBF vhampion Errol Spence Jr kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao kung pipiliin ba siya nito na makaharap.   Sinabi nito na hindi naman ito nagmamadali na makaharap ang fighting senator subalit kung piliin naman siya sa 2021 ay hindi na ito tatanggi.   Bukod kasi kay Pacquiao ay […]

  • 3 pang phreatomagmatic bursts naitala sa Taal – PHIVOLCS

    TATLO pang phreatomagmatic bursts ang naitala sa Taal Volcano kahapon, ayon sa PHIVOLCS.     Base sa kanilang report na inilabas ngayong umaga, sinabi ng PHIVOLCS na base sa kanilang pagbabantay mula alas-5:00 ng umaga kahapon hanggang kaninang alas-5:00 rin ng umaga, nakapagtala ng phreatomagmatic burst bandang alas-9:30 ng umaga, alas-9:33 ng umaga at alas-9:46 […]

  • May pa-surprise birthday party sa kanya sina Rhian: MAX, wish na magka-international project kaya nag-audition sa Amerika

    NASURPRESA ang lahat ng mga nakarinig na para sa isang batikang aktres at the same time, mahusay na director na si Gina Alajar nang aminin nito na kinakabahan siya portraying the role of Lola Joy in “Start-Up Ph.”     Ito ang GMA Network’s adaptation ng Korean drama na “Start Up.” May mga kumuwestiyon kay […]