• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan

Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case.

 

Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur, Inc. (Sanofi)

 

Nakitaan din ng panel ng sapat na basehan para sampahan ng kaso ang presidente ng Sanofi Pasteur, Inc. dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

 

Kasunod ito ng pag-manufacture ng Dengvaxia vaccine na sinasabing nagtataglay ng ilang panganib kapag naturukan ang mga indibidwal na hindi pa nagkaka-dengue disease.

 

Lumalabas din sa imbestigasyon ng panel na ang clinical trials ng Dengvaxia vaccine ay hindi pa nakumpleto para sa mass immunization program noong bilhin ito at ipatupad ng pamahalaan.

 

Sa kabila raw ng nagpapatuloy pa noon na clinical trials sa naturang bakuna ay inaprubahan daw ng FDA ang registration ng bakuna.

 

Sinabi pa ng panel na naging pabaya si Garin at iba pang mga respondent sa pagpapatupad ng immunization program ng pamahalaan.

 

Bigo raw ang mga respondent na abisuhan ang mga Dengvaxia recipients at kanilang mga magulang maging ang kanilang pamilya sa magiging panganib o peligro ng naturang bakuna.

 

Nag-ugat ang kaso sa pagkamatay ng walong batang umano’y naturukan ng Dengvaxia na nasa ilalim ng ikalawang batch ng Dengvaxia case na inihain ng Public Attorneys Office (PAO) sa DoJ.

Other News
  • Ads February 28, 2024

  • Bigtime drug pusher, tiklo sa P16 milyon shabu sa Malabon

    NASABAT ng mga awtoridad ang mahigit P16 milyon halaga ng shabu sa isa umanong notoryus drug pusher na listed bilang High-Value Individual (HVI) matapos maaresto sa buy bust operation sa Malabon City.     Pinuri ni Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, ang Malabon police sa pamumuno ni P/Col. Amante […]

  • ‘P90-M na bayad sa Smartmatic, ‘hold’ muna, pending data breach issue’

    TINIYAK ng Commission on Elections (Comelec) na hindi nila pababayaan ang isyu ng data breach kontra sa Smartmatic, kahit abala sila sa paghahanda sa halalan.     Matatandaang nakaladkad ang technology provider dahil dating tauhan ng kumpanya ang iniuugnay sa isyu at pasilidad pa nila ang ginamit sa paglalabas ng impormasyon.     Kaya naman […]