• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-DoH Sec. Garin, 9 iba pa pinakakasuhan

Pinasasampahan na ng Department of Justice (DoJ) panel ng patong-patong na kaso sina dating Health Sec. Janet Garin at siyam na iba pa kaugnay ng ikalawang batch ng Dengvaxia case.

 

Sa 78 pahinang resolusyon na inilabas noong Pebrero 19, 2020, kasama sa mga pinasasampahan ng kasong reckless imprudence resulting to homicide sa korte ang mga opisyal ng Food and Drug Administration (FDA), Research Institute for Tropical Medicine (RITM) at Sanofi Pasteur, Inc. (Sanofi)

 

Nakitaan din ng panel ng sapat na basehan para sampahan ng kaso ang presidente ng Sanofi Pasteur, Inc. dahil sa paglabag sa Consumer Act of the Philippines.

 

Kasunod ito ng pag-manufacture ng Dengvaxia vaccine na sinasabing nagtataglay ng ilang panganib kapag naturukan ang mga indibidwal na hindi pa nagkaka-dengue disease.

 

Lumalabas din sa imbestigasyon ng panel na ang clinical trials ng Dengvaxia vaccine ay hindi pa nakumpleto para sa mass immunization program noong bilhin ito at ipatupad ng pamahalaan.

 

Sa kabila raw ng nagpapatuloy pa noon na clinical trials sa naturang bakuna ay inaprubahan daw ng FDA ang registration ng bakuna.

 

Sinabi pa ng panel na naging pabaya si Garin at iba pang mga respondent sa pagpapatupad ng immunization program ng pamahalaan.

 

Bigo raw ang mga respondent na abisuhan ang mga Dengvaxia recipients at kanilang mga magulang maging ang kanilang pamilya sa magiging panganib o peligro ng naturang bakuna.

 

Nag-ugat ang kaso sa pagkamatay ng walong batang umano’y naturukan ng Dengvaxia na nasa ilalim ng ikalawang batch ng Dengvaxia case na inihain ng Public Attorneys Office (PAO) sa DoJ.

Other News
  • GABBI, natupad na ang wish na makasama ang boyfriend na si KHALIL

    “ALWAYS proud of you, my love!! Welcome to GMA @TheKhalilRamos.”   Ito ang greetings ni Kapuso Global Endorser Gabbi Garcia sa kanyang Instagram bilang sagot sa pag-welcome ng GMA Network na “Welcome our newerst Kapuso @The KhalilRamos,” nang mag-sign ito ng exclusive management contract sa GMA Artist Center last Tuesday, October 13, na makakasama na […]

  • Non-stop ang pagdating ng magagandang projects: JULIE ANNE, bongga na ang career at lucky in love pa dahil kay RAYVER

    IT seems non-stop ang success ni Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.       Sabi nga, bukod sa lucky in love si Julie dahil kay Rayver Cruz, very lucky rin ang Sparkle star na tumanggap ng Silver Award para sa “Limitless: A Musical Trilogy” mula sa 2022 New York Festivals TV and Film Awards.   […]

  • Ads June 4, 2024