Ex-gf ni JOEM na si CRISHA, nagalit at parang sinampal sa mukha kahit alam na karelasyon si MERYLL
- Published on January 21, 2021
- by @peoplesbalita
“KINAKABAHAN ako,” ang unang bungad ni Crisha Uy, ang vlogger na ex-fiancee ni Joem Bascon.
Sa totoo lang, nagugustuhan namin kung paano niya ina-address ng makatotohanan at with class pa rin ang mga sunod-sunod na nangyari sa kanya.
Umiyak man siya noon na nag-vlog at ibinalitang hindi na matutuloy ang kasal nila, pero ang daming nakisimpatiya sa kanya.
Tulad din ngayon kung paano siya nakakapag-move-on at kung paano rin nang malaman niya ang totoong dahilan kung bakit nakipag-break sa kanya noon ang actor.
Sabi ni Crisha, “Siyempre, my ex and I have the same set of friends. Sa loob ng 8 years relationship namin, nakabuo kami ng friendship.
“Masaya ako, I’m glad to know na totoo ko silang kaibigan. You know, real friends will be there for you no matter what and will not let you live not knowing the truth. Kaya thankful ako sa kanila and sa mga ina-update ako kahit hindi ko naman hinihingi.”
Kaya hindi pa man daw open sina Joem at Meryll Soriano na sila na nga at buntis ang huli noon, alam na niya. Pero sey nito, iba raw pala kapag nakita na niya mismo ang “ebidensiya.”
“Yes, I know their relationship and they have bundle of joy. Noon pa, even before pa ma-upload ang mga pictures. So, let’s proceed and move-on na sa mga comments.”
Sey pa niya, “When I was reading the article, ang naramdaman ko that day, nagalit ako. Nagalit ako kasi, bumalik yung feelings ko na I was betrayed all over again. Iba pala yung feeling na nakita mo versus kinuwento or chinika lang sa ‘yo. Parang feeling ko kasi, parang kailangan kong ilabas ang naramdaman ko that day, yung galit ko o sakit ko o ano man naramdaman ko that day. Hindi dahil sa mahal ko pa siya, hindi. Kasi, naka-move-on na ko.
“Ano lang, yung na-confirmed ko na nagsinungaling talaga siya. Kasi, I gave them the benefit of the doubt before. Pero nasampal ka na sa mukha nang makita ko yun. Sampal sa mukha na tama pala ang hinala ko.”
Sinagot din ni Crisha yung tanong kung bakit for 8 years ng relasyon nila ni Joem, hindi sila nagka-baby. Kasi raw, wala pa talaga sa plano nila yun noon at plan nga nila na magpakasal na sana at saka magpa-family.
Pero nagpapasalamat daw siya and that sey niya, “God is good” na hindi nangyari dahil obviously, they’re not meant to be.
At nagbigay rin ito ng payo sa lahat na sana raw maging honest. Hindi kapag nanliligaw lang. Kapag in-love. Kahit daw kapag nakikipag-break, maging honest sa kung ano talaga ang totoong dahilan o nangyayari.
***
MATAGAL nang nakapagdirek ang actress na si Sunshine Dizon.
Pero tumigil siya rito at mukhang ngayon, bumalik na naman ang interes niya sa likod ng camera.
Si Sunshine ang isa sa director ng bagong project ng Sanggre Incorporation, ang binuo nilang production ng mga original Sanggre ng Encantadia na sina Diana Zubiri, Karylle at Iza Calzado kasama rin si Direk Mark Reyes.
Base sa mga pa-hashtags ni Sunshine, tila ang title ng dinidirek na project ay “Brody and Brandy” na mapapanood sa @wetvphilippines.
Suportado si Sunshine ng mga kaibigan pero mukhang sa dinidirek ngayon, hindi pa silang tatlo ang mga artista niya dahil sey niya, yun daw ang pangarap niya, ang maidirek daw na magkakasama ang tatlong kaibigan.
***
POSIBLENG pumatok ang bagong tandem ng mga Kapuso stars na sina Andre Paras at Sef Cadayona.
Ang lakas nga ng GMA News TV ngayon dahil ang dami nilang bagong shows na inilulunsad ha.
Kaka-ere lang din ng seryeng The Lost Recipe noong Lunes at heto naman ang Game of the Gens, ang game show na sina Andre at Sef ang hosts.
Excited daw ang dalawa sa bagong show dahil ang mga contestants ay mga celebritied na mula sa iba’t-ibang henerasyon.
Sabi nga ni Andre, “Hindi lang siya magiging game show. Yung mga Kapuso natin na manonood, they will learn a lot. Like ako, born ‘95 ako pero mahilig ako sa 60’s, 70’s music. Yung iba naman mahilig sa fashion.”
(ROSE GARCIA)
-
Ang Korapsyon sa ating bayan
Ang isyu ng korapsyon sa ating bayan ay pumutok matapos ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na umano’y triple ang korapsyon na nagaganap sa ating bayan. Agad naman itong sinagot ng ating pamahalaan ng pangalanan ang mga sangaay ng pamahalaan na sangkot sa korapsiyon at agad itong bibigyan ng aksiyon. Makalipas ang ilang […]
-
Kampo ni Robredo pag-aaralan ang social media reports, allegations
INIHAYAG ni Vice President at presidential candidate Leni Robredo na pinag-aaralan ng kanyang kampo ang mga ulat at alegasyon sa social media. Si Robredo, na kasunod ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na may 14 na milyong boto laban sa 30 milyong boto ng huli, ay naglabas ng pahayag habang pinasalamatan niya […]
-
Administrasyon ni PBBM, humirit ng P31-B calamity fund para sa susunod na taon
HUMIRIT ang administrasyong Marcos sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ng P31 billion calamity fund para sa taong 2024. Nais kasi ng gobyerno na mas maraming pondo ang maipamahagi sa panahon ng kalamidad. Kilala rin bilang National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF), ang panukalang calamity fund ay mas mataas ng […]