• June 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-gf ni Mayweather, pinatay

PATAY na nang matagpuan sa loob ng kanyang sasakyan ang dating kasintahan ni undefeated US boxing champion Floyd Mayweather Jr., na si Josie Harris sa edad 40 at nanay ng tatlo sa kanyang mga anak.

 

Sa report ng kapulisan ng Valencia, California, rumesponde sila sa isang report na may nakitang patay sa loob ng sasakyan.

 

Ayon sa Sheriff’s Department, walang malay si Harris nang madiskubre sa kotse na naka-park sa driveway ng kanyang tahanan sa Valencia, California, alas-diyes ng gabi nitong Marso 11 kung saan dineklara siyang dead at the scene at walang anumang nakitang foul play ang mga awtoridad.

 

Ayon sa pulisya, tinatrato ang kaso bilang death investigation at hindi homicide case, na standard procedure para sa mga high-profile case sa county.

 

Hindi pa nilalabas ang dahilan ng pagkamatay ni Harris na isang aspiring actress si Harris.
Taong 2010 ng inireklamo nito ng pananakit ang boxing champion na nagresulta sa pagkakakulong sa kaniya ng dalawang buwan.

 

Nag-date sila mula pa 1995 hanggang 2010 naghiwalay sina Mayweather at Harris, matapos makulong ang una dahil sa pang-aabuso sa huli.

Other News
  • Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac

    Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA).     Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang […]

  • Zendaya Spent Three Months Training For Tennis-Themed RomCom ‘Challengers’

    ZENDAYA spent three months training for her role in the tennis-themed romantic comedy, Challengers.   After rising to fame on Disney Channel sitcoms Shake It Up! and K.C Undercover, Zendaya is now best known for her role as MJ, Peter Parker’s love interest, in the Marvel Cinematic Universe’s Spider-Man trilogy and as Rue Bennett, a […]

  • Pfizer vaccines na mula sa Covax facility, hindi maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population

    HINDI maaaring ibigay sa mga hindi kabilang sa indigent population ang Pfizer vaccines na mula sa Covax facility.   Sinabi ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez na malinaw ang direktibang ibinigay ng Covax facility at ni Pang. Rodrigo Duterte ukol sa mga dapat na mabigyan ng bakuna na mula sa Pfizer na nasa ilalim ng […]