Ex-Justice Chief Aguirre, itinurong utak ng ‘Pastillas’ scheme
- Published on March 3, 2020
- by @peoplesbalita
TULUYAN nang nabulgar sa Senado na si dating Justice Secretary Vitalliano Aguirre na siyang utak ng “Pastillas” modus sa Bureau of Immigration (BI) na pinalulusot ang Chinese nationals, kriminal man o hindi, sa airport kapalit ng halagang P10,000.
Sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Senate committee on women, youth and gender equality sa pamumuno ni Senador Risa Hontiveros, sinabi ng kolumnistang si Mon Tulfo, nakuha niya ang naturang impormasyon kay Immigration whistleblower Allison “Alex” Chiong.
Sinabi ni Tulfo sa komite na base sa impormasyon ni Chiong, dinadala ang cut ni Aguirre sa P10,000 padulas sa kada Chinese nationals sa pamamagitan ng isang helicopter patungo sa tahanan ng dating opisyal sa Mulanay, Quezon.
“Siya po ang protektor ng sindikato base sa ni-report sa akin ni Mr. Chiong,” ayon kay Tulfo.
Nauna nang ibinulgar ni Chiong ang “Pastillas” scheme sa naturang komite sa mga naunang imbestigasyon hinggil sa kaugnayan ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa human trafficking, prostitution, kidnapping ng kababaihan at iba pang krimen.
Sinabi ni Chiong na nagbabayad ng halagang P10,000 kada ulo ang mga dumarating na Chinese nationals, kasabwat ang ilang matataas na opisyal ng BI na tinaguriang “boss” sa mga viber group.
Inilalagay umano ang naturang halaga sa ibang bond paper, saka pinaghahatian sa loob ng tanggapan ng BI sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Sa kanyang testimonya, inakusahan ni Tulfo si Aguirre na komopo sa kapangyarihan ni Immigration Commissioner Jaime Morente at inilagay sa kanyang kamay ang kapangyarihan na kumalap, magsibak at mag-reassign ng tauhan sa immigration.
Aniya, ito ang dahilan kung bakit nakapasok bilang opisyal sina Marc Red Mariñas – kilalang “protectors” sa immigration mafia at ama nitong si Maynardo Marinas sa ahensiya.
“Very obvious. Bakit i-a-assign mo ‘yung tatay at anak nasa immigration, holding key positions?” giit ni Tulfo.
Sinopla rin ni Tulfo ang nakababatang Marinas na hindi nito nalalaman ang ‘Pastillas” scheme sa BI nang manilbihan ito bilang hepe ng port operations division noong 2016.
Naunang pinabulaanan ni Marinas ang paratang nina Chiong at Tulfo saka kategoryang sinabi nito kay Hontiveros na nagsi-sinungaling sila.
Inamin naman ni Chiong na tumanggap siya ng bahagi ng “pastillas’ scheme na umaabot sa P20,000 kada linggo para sa nakatalaga sa NAIA Terminal 1 at P8,000 kada linggo din sa Terminal 3. Hindi niya alam ang hatian sa Terminal 2 dahil hindi siya naitalaga doon.
Samantala, sinabi naman ni Marinas sa komite ni Hontiveros na walang nangyayaring “pastillas” modus noong panahon niya sa Immigration.
“Noon pong panahon ko, wala pong pastillas scheme na nangyayari. ‘Di ko po alam ang pastillas scheme na binabanggit ni Mr. Allison Chiong,” aniya.
Dahil dito, sinabi ni Marinas na nagsisinungaling si Chiong sa tanong ni Hontiveros.
“So ibig niyo pong sabihin, nagsisinungaling si Mr. Chiong?” tanong ni Hontiveros.
“Yes, your honor,” ayon kay Marinas.
-
PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC
ILANG araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand. Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at […]
-
Bona, Salome at Ma’ Rosa, pinagsama-sama sa ‘Pieta’… ALFRED, natupad na ang pangarap na makasama sina NORA, GINA at JACLYN
LAST week ipinasilip na ni QC Councilor Alfred Vargas sa kanyang Instagram at Twitter post ang character na ginagampanan niya sa ‘PIETA’ na kanyang ipo-produce at mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Caption ng aktor, “A first glimpse of ISAAC, recently released from jail after decades of painful incarceration. Denied of justice for […]
-
ICU beds sa Metro Manila na nasa ‘danger zone’ nireresolba na – NTF
Pinawi ng National Task Force Against COVID-19 ang pangamba ng publiko ang pahayag ng Department of Health (DOH) na nasa “danger zone” na ang critical care capacity ng mga osiptal sa Metro Manila. Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr., may mga na-locate na silang mga ospital at facilities na may sapat pang […]