• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Justice Sec. Vitaliano Aguirre bagong hepe ng NAPOLCOM

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II bilang Commissioner ng National Police Commission (NAPOLCOM).

 

Ito ang kinumpirma ni Presidential Spokesman Harry Roque nitong Lunes ng gabi.

 

“We confirm that President Rodrigo Toa Duterte has signed the appointment of Mr. Vitaliano “Vit” Aguirre II as Commissioner of the National Police Commission (NAPOLCOM) representing the private sector,” ani Sec. Roque.

 

Si Aguirre ay nagsilbing kalihim ng Department of Justice (DOJ) sa ilalim ng Duterte administration simula 2016 hanggang 2018.

 

Sinabi ni Sec. Roque, makakatulong ang dati nitong papel sa pamahalaan sa kanyang bagong posisyon na gawing competent, epektibo, responsive at credible ang police service sa pangangailangan ng mga Pilipino.

 

Nagpaabot ng “good luck wish” si Sec. Roque sa bagong appointment nito. (Gene Adsuara)

Other News
  • Brooklyn Nets malabo pa raw na agad na pakawalan si Kevin Durant

    HINDI umano basta-basta pakakawalan ng Brooklyn Nets ang kanilang veteran superstar na si Kevin Durant sa kabila ng paghahangad nito na lumipat na sa ibang team.     Una nang lumutang isyu na ninanais daw ni Durant na lumipat sana sa Phoenix Suns o kaya sa Miami Heat.     Ito ay sa kabila na […]

  • DICT, tinitingnan, pinag-aaralan ang partnership sa PPP, LGU para ipatupad ang nat’l broadband program

    TINITINGAN ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang  public-private partnerships (PPP) at koordinasyon sa  local government units (LGUs) para mapabilis ang implementasyon ng  National Broadband Program (NBP) ng gobyerno.     “We are exploring possibilities of PPPs with the private sector and also looking at partnering with the LGUs po in deploying some […]

  • Galit daw ang ina ni Elisse kaya ‘di inimbita: McCOY, hindi nakapunta sa surprise birthday party ng anak

    WHAT this we heard na nagkakatampuhan daw ngayon ang magkaparehang sina Elisse Joson at McCoy De Leon.  Hindi raw kasi dumating ang huli sa surprise birthday celebration ng una. In fairness ang mommy ni Elisse ang lahat ng may plano sa nabanggit na pa surpresa para sa kaarawan ng anak. Inimbitahan daw ng ina ni […]