Ex-NBI chief Dante Gierran, itinalaga bilang bagong Philhealth head
- Published on September 2, 2020
- by @peoplesbalita
Itinalaga ni Pangulong Rodrig Duterte si dating NBI chief Dante Gierran bilang bagong Philhealth chief.
Kinumpirma ni Senator Bong Go ang appointment ni Gierran.
Papalitan ni Gierran ang nagbitiw na si Ricardo Morales.
Magugunitang nahaharap sa imbestigasyon si Morales dahil sa malawakang katiwalian.
Tiniyak ng bagong hepe ng Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) na kaniyang ibabalik ang pagtitiwala ng tao sa nasabing ahensiya.
Ayon kay Atty. Dante Geirran, na siyang bagong talagan hepe ng PhilHealth, na kaniyang lubos na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya para mapaganda ang trabaho.
Isa rin aniya itong malaking karangalan ang pagkatalaga sa puwesto at bilang isang mabuting sundalo ay hindi ito aatras sa misyon.
Aminado ito na mahirap ang nasabing trabaho na maibalik ang tiwala sa tao sa ahensya sa loob ng 2 taon.
Pinasalamatan nito ang pangulo sa pagkakatalaga sa kaniya sa puwesto na isa aniyang karangalan para sa kaniyang magulang.
Magugunitang naging hepe si Geirran ng NBI bago italaga sa PhilHealth na papalitan naman niya ang nagbitiw na si retired Brig. General Ricardo Morales.
Aminado rin ang bagong talagang PhilHealth, na wala siya gaanoong kaalaman sa kalusugang publiko ngayong uupo na siya sa katungkulan.
Sa panayam ng ANC kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, dating direktor ng National Bureau of Investigation, sinabi niyang natatakot siyang gampanan ang panibagong trabaho ngayong wala ito sa kanyang kasanayan.
“Natatakot ako. Takot ako kasi hindi ko alam ang operasyon ng PhilHealth. Hindi tulad ng NBI, alam ko ang operasyon ng NBI. Pero ang PhilHealth, wala. Hindi ko alam ang public health,” sambit ni Gierran
-
Nalungkot at pinanghinaan ng loob sa viral post na withdrawal of support ng ilang heneral at opisyal ng military
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na labis siyang nalungkot at pinanghinaan ng loob nang makarating sa kanyang kaalaman na may ilang heneral at opisyal ang nagplano na mag-withdraw ng kanilang suporta sa kanya dahil sa kanyang posisyon sa pagsalakay ng mga tsinoy sa Philippine water. “Talagang downhearted ako. If we cannot work together […]
-
NBA legend Dikembe Mutombo patuloy na ginagamot dahil sa brain tumor
PATULOY na nagpapagamot ang dating NBA Hall of Famer Dikembee Mutombo dahil sa brain tumor. Ayon sa NBA na may mga doctor sa Atlanta ang tumitingin sa dating basketbolista. Humingi naman ng privacy ang kaanak nito sa nasabing usapin. Ang dating center ay naglaro ng 18 season sa NBA […]
-
Ilang nagpasiklab sa Batang Pinoy pinarangalan ng Milo
KINOPO ng City of Baguio ang three-peat overall championship sa katatapos na 13th Philippine Sports Commission-Batang Pinoy 2022 National Championships sa Vigan City, Ilocos Sur. Sumungkit ng 100 medalya ang Summer Capital, pumangalawa ang Pasig City sa 48 golds at pumangatlo ang Quezon City n 46-ginto . Bumahagi sa 6-day […]