• June 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-NBI chief Dante Gierran, itinalaga bilang bagong Philhealth head

Itinalaga ni Pangulong Rodrig Duterte si dating NBI chief Dante Gierran bilang bagong Philhealth chief.

 

Kinumpirma ni Senator Bong Go ang appointment ni Gierran.

 

Papalitan ni Gierran ang nagbitiw na si Ricardo Morales.

 

Magugunitang nahaharap sa imbestigasyon si Morales dahil sa malawakang katiwalian.

 

Tiniyak ng bagong hepe ng Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) na kaniyang ibabalik ang pagtitiwala ng tao sa nasabing ahensiya.

 

Ayon kay Atty. Dante Geirran, na siyang bagong talagan hepe ng PhilHealth, na kaniyang lubos na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya para mapaganda ang trabaho.

 

Isa rin aniya itong malaking karangalan ang pagkatalaga sa puwesto at bilang isang mabuting sundalo ay hindi ito aatras sa misyon.

 

Aminado ito na mahirap ang nasabing trabaho na maibalik ang tiwala sa tao sa ahensya sa loob ng 2 taon.

 

Pinasalamatan nito ang pangulo sa pagkakatalaga sa kaniya sa puwesto na isa aniyang karangalan para sa kaniyang magulang.

 

Magugunitang naging hepe si Geirran ng NBI bago italaga sa PhilHealth na papalitan naman niya ang nagbitiw na si retired Brig. General Ricardo Morales.

 

Aminado  rin ang bagong talagang PhilHealth, na wala siya gaanoong kaalaman sa kalusugang publiko ngayong uupo na siya sa katungkulan.

 

Sa panayam ng ANC kay PhilHealth President at CEO Dante Gierran, dating direktor ng National Bureau of Investigation, sinabi niyang natatakot siyang gampanan ang panibagong trabaho ngayong wala ito sa kanyang kasanayan.

 

“Natatakot ako. Takot ako kasi hindi ko alam ang operasyon ng PhilHealth. Hindi tulad ng NBI, alam ko ang operasyon ng NBI. Pero ang PhilHealth, wala. Hindi ko alam ang public health,” sambit ni Gierran

Other News
  • Paalala ng CHR: listahan ng mga unvaccinated residents hindi dapat lumabag sa ‘right to privacy’

    PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga barangay officials na hindi dapat mauwi sa paglabag sa “right to privacy” ng mga residente na makakasama sa listahan ng mga hindi bakunado.     Ang panawagan na ito ni CHR spokesperson and lawyer Jacqueline Ann de Guia ay matapos na magpalabas ang Department of the […]

  • Miss Universe Myanmar THUZAR WINT LWIN, balitang ‘di na makababalik pagkatapos magsalita sa kaganapan sa bansa

    MARAMI ang nalungkot at naawa para kay Miss Universe Myanmar 2020 Thuzar Wint Lwin dahil hindi na raw ito makababalik sa kanyang bansa pagkatapos niyang magsalita tungkol sa mga nagaganap sa kanilang bansa sa US media.     Nakahanda na raw ang arrest warrant niya kapag dumating siya sa Myanmar.     Kabahagi si Thuzar […]

  • Advance Tickets for Marvel Studios’ Thor: Love and Thunder Now on Sale

    THE God of Thunder returns to the big screen with the local theatrical release of Marvel Studios’ “Thor: Love and Thunder,” the fourth installment in the Marvel Cinematic Universe’s ‘Thor’ saga.     Marvel fans can now buy their tickets in advance by checking the show timings at https://movies.disney.ph/thor-love-and-thunder and at the cinemas nearest them. […]