• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-Negros Oriental Rep. Teves Jr , naaresto na

NAARESTO  na si dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr.

 

 

Ayon sa Department of Justice (DOJ) inaresto siya ng mga otoridad ng Timor-Leste.

 

 

Nahaharap si Teves ng kasong murder, frustrated murder at attempted murder dahil sa sya ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo noong Marso 4, 2023.

 

 

Matapos kasi ang insidente ay nagtago si Teves sa Timor-Leste kung saan sinubukan niyang kumuha ng asylum dito subalit tinanggihan siya.

 

 

Bukod sa pamamaril kay Degamo ay kinasuhan din ito sa pagpatay sa tatlong indibidwal sa Negros Oriental noong 2019.

 

 

Noong Agosto 2023 ay idineklara siya kasama ang 11 iba pa bilang terorista dahil sa kinasangkutang patayan at harassments sa Negros Oriental.

 

 

Noong Agosto ay sinibak siya ng House of Representatives dahil sa disorderly conduct at ang mahabang pagliban kahit na expired na ang kaniyang travel authority.

 

 

Nitong Pebrero ay inilagay si Teves sa red notice list ng International Criminal Police Organization (INTERPOL).

 

 

Ang red notice ay isang kahilingan sa mga alagad ng batas sa buong mundo para matukoy ang kinaroroonan ng tao na may nakabinbin na extradition para ito ay sumuko at arestuhin. (Daris Jose)

Other News
  • NURSING STUDENT UTAS SA SUNOG SA MALABON

    ISANG 20-anyos na babaing nursing student ang nasawi matapos umanong ma-trap sa nasusunog nilang tirahan sa Malabon City, Miyerkules ng umaga.     Natutulog umano ang biktimang si alyas “Nyanza”, working student ng Our Lady of Fatima University sa ikalawang palapag ng kanilang tirahan sa A. Bonifacio St., Brgy. Tugatog nang sumiklab ang sunog dakong […]

  • Hindi kamay ang nilunok kundi paa na may bakal: ANNE, niresbakan si VICE GANDA at tinawag na matandang ‘ulyanin’

    NAKAAALIW at hindi talaga pinalampas ni Anne Curtis ang bonggang litanya ni Phenomenal Unkabogable Star na si Vice Ganda noong Lunes sa kanyang Twitter account, na kung saan sinagot nito ang mga paratang isang netizens.     Isa nga sa naging pasabog na post ni Vice na kinaaliwan ng mga netizens ang nakatutuwang pag-amin niya […]

  • Pagkakaisa, pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko

    Sinabi ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na ang pagkakaisa ng mamamayang Pilipino para mapaunlad ang bansa ang pinakamagandang aginaldo ngayong Pasko.     Ani Marcos, ang pina­kahuling pagbisita niya sa Cebu kamakailan, kasama ang running mate na si vice-presidential bet Mayor Inday Sara Duterte kung saan ay mainit silang sinalubong ng libu-libong supporters […]