• November 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ex-PDEG chief, 48 pa kakasuhan sa P6.7 bilyong shabu ‘cover-up’

NAKATAKDANG  isampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang kasong kriminal at administratibo laban kina dating Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Director BGen. Narciso Domingo at 48 pang tauhan nito kaugnay ng umano’y ‘cover-up’ sa P6.7 bilyong halaga ng shabu na nasabat mula sa lending company ni PMSgt. Rodolfo Mayo, Jr. noong nakaraang  taon.

 

 

Sa isinagawang press briefing, sinabi ni PMGen. Eliseo Cruz, Director for Investigation and  Detective Management (DIDM) na mahaharap sa kasong criminal dahil sa paglabag sa Sections 21, 27, at 92 ng RA 9165 o  Comprehensive Dangerous Drugs Act at grave neglect of duty at grave dishonesty sa kasong administratibo ang mga opisyal at tauhan ng PDEG kabilang si Domingo at PCol. Julian Olonan na hepe ng Region 4A.

 

 

Ayon kay Cruz, lumilitaw din sa pagsisiyasat ng Special Investigation Task Group 990 na umaabot sa mahigit 1 tonelada ang shabu. Aniya ang 990 kilo ay bahagi lamang ng umano’y kinupit ng mga tauhan ng PDEG.

 

 

“Yes it was 990 kilos, plus the 42 kilos and plus the missing. That’s the mathematical explanation on that,” ani Cruz.

 

 

Tiniyak din ni Cruz na patuloy ang kanilang imbes­tigasyon dahil sa lawak ng istorya ng 990 kilo ng shabu.

 

 

‘Yung pilferage, nakita na naman ‘yung mga may kasalanan kaya dapat isampa na ang mga kaso… Nai-submit na natin ito sa PNP chief at NAPOLCOM…”, dagdag pa ni Cruz.

 

 

Ibinunyag din ni Cruz na si PCapt. Jonathan Sosongco ang “nagkukumpas” sa isinagawang anti drug operation. Si Sosongco ang lider ng arresting team na nagresulta ng  pagkakasabat ng  shabu at pagkakaaresto kay Mayo.

 

 

Paliwanag ni Cruz, unang inakala na nasa 30 kilo ng shabu ang nawawala. Subalit nang isurender ito ni PMaster Sgt. Jerrywin Rebosora, lumitaw na umaabot sa 42 kilo ang nasa inabandonang kotse sa harap ng Camp Crame.

 

 

Makikita sa CCTV vi­deo na pinagtulungan nina Rebosora at dalawa pang pulis ang paglalagay ng maleta sa compartment ng kotse.

 

 

Bukod pa ito aniya sa pabalik-balik na motorsiklo na gamit din ng iba pang pulis.

 

 

Nilinaw din ni Cruz na malaki ang responsibilidad ni Domingo dahil mga tauhan niya ang nagsagawa ng drug operations. Ani Cruz, tila naging bulag si Domingo sa kilos at desisyon ng kanyang mga tauhan at hindi gumawa ng aksiyon upang papanagutin ang mga ito.

 

 

“You can be punished for what you have done and also can be punished by what you have not done. We expect him (Domingo) to do the thing that should have been done by a Director (of PDEG) to prevent or even the recovery of these 42. He should have addressed that,” dagdag pa Cruz.

 

 

Nabatid pa kay Cruz na pinadidisarmahan na rin sina Domingo, Sosongco at 47 pang mga police officials. (Daris Jose)

Other News
  • Dapat abangan ang mga pasabog na eksena: NADINE, ‘di magpapakabog kina VILMA at AGA sa ‘Uninvited’

    HINDI naman magpapakabog ang premyadong aktres na si Nadine Lustre sa ‘Uninvited’ kasama ang sina Ms. Vilma Santos at Aga Muhlach, na muling magsasama sa pelikula pagkaraan nang maraming taon.   Pagkatapos ng announcement ng last five entries para sa 50th Metro Manila Film Festival na kung saan isa sa pinalad ang ‘Uninvited’, inilabas ng […]

  • PDu30, tikom pa rin ang bibig ukol sa term extension ni Carlos- DILG chief

    HANGGANG ngayon ay wala pa ring sinasabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibleng term extension ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8.     “There is no guidance from PRRD (President Rodrigo Roa Duterte). So far, Gen. Carlos will retire as scheduled,” ayon kay Department […]

  • Hidilyn Diaz desididong makakuha ng gold medal sa 2024 Olympics

    DESIDIDO si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz na makakuha muli ng gintong medalya.     Ayon kay Pinay weightlifter na nais niyang maulit ang pagkakawagi nito gintong medalya sa papalapit na 2024 Paris Olympics.     Dagdag pa nito na gagawin niya ang lahat ng makakakaya para makuha ang nasabing medalya.     Pinayuhan din […]